Saturday , November 23 2024

Alok ng scientists: Earth itago sa space aliens

KABALINTUNAAN, sa panahon na maraming astronomers ang nagsusumikap na maghanap ng ebidensiya kaugnay ng alien life, isang pares ng astronomer sa Columbia University ang nagsasaliksik ng mga paraan kung paano maitatago ang earth sa mga alien.

Sinabi nina Professor David M. Kipping at graduate student Alan Teachey, ang lasers ay maaaring magamit bilang cloaking device para matakpan ang ating planeta mula sa mga alien.

Sa pamamagitan ng pagdirekta sa laser beams sa star systems na maaaring kinaroroonan ng aliens, sa tamang pagkakataon, ayon sa astronomers, maaaring matakpan tayo ng kaunting dilim na magaganap kapag ang earth ay dumaan sa harap nito, o umikot sa araw.

“It’s surprisingly feasible to do this, energywise,” pahayag ni Teachey The Huffington Post. “We could do it this year if we wanted to. We have the technology.”

Ngunit bakit natin gagawin ito? Sa katunayan, ang ideyang panatilihing lihim ang ating pag-iral ay maaaring hindi kalokohan.

Ilang siyentista ang nagpahayag ng pangamba na kung batid ng aliens na tayo ay naririto, maaaring puntahan nila ang earth at kamkamin ang resourcers ng ating planeta o baka matindi pa rito ang kanilang gawin.

Halimbawa na lamang si renowned physicist Stephen Hawking, sinabi niyang ang advanced alien civilization ay maaaring lipulin ang mga tao katulad ng paglipol ng mga tao sa kolonya ng mga langgam. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *