Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: HInahanap ang pinto

Gud pm po sir,

Nngnp aq, umiiyak dw aq, tas dw ay hinhnap q ang door, d ko mkita ng nkita q nman d na lng dn dw aq lumabs, sana mbsa q po ito s HATAW, ‘wag nio n lng popost cp # q, slmat, aq po c Jhigz

To Jhigz,

Ang pag-iyak ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.

Ang pinto naman sa panaginip, kung ikaw ay pumapasok dito ay nagsasaad ng mga bagong oportunidad na dumarating sa iyo. Ikaw ay pumapasok sa bagong kabanata ng iyong buhay at lumilipat o gumagalaw from one level of consciousness to another. Partikular, a door that opens to the outside ay nagsasabi na dapat kang mas maging accessible to others. Samantalang a door that opens into the inside ay nagsasabi ng iyong paghahangad ng ukol sa inner exploration and self-discovery. Kapag bukas ang pinto, ito ay simbolo ng iyong receptiveness at kahandaang tumanggap ng bagong idea at konsepto. Kung may ilaw sa likod ng pinto, nagsasabi ito that you are moving toward greater enlightenment/spirituality. kapag ang pinto ay sarado o naka-lock, may kaugnayan ito sa oportunidad that are denied at hindi available sa iyo o kaya ay nalampasan ka na. Mayroong humahadlang sa iyong pag-unlad. Ito ay simbolo rin ng ending of a phase or project. Kapag nanaginip na isinasara mo ang pinto, nagsa-suggests ito that you are closing yourself off from others. Ikaw ay may pag-aalinlangan na papasukin sa buhay mo ang ibang tao at ipaalam ang tunay mong damdamin.May kaugnayan din ito sa ilang pangamba at low self-worth. Kung may nagbalandra sa mukha mo ng pinto, may kaugnayan ito sa pakiwaring na-shut out ka sa ilang gawain o kaya naman, na ikaw ay binabalewala o hindi pinapansin.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *