Saturday , November 23 2024

Hong Kong guy bumuo ng robot na kamukha ni ScarJo

HONG KONG, April 1 (Reuters) – Katulad ng mga kabataang ang imahinasyon ay pina-aalab ng animated films, lumaki si Hong Kong product and graphic designer Ricky Ma sa panonood ng cartoons na nagtatampok sa pakikipagsapalaran ng mga robot, at nangarap na makabuo nito isang araw.

Taliwas sa iba, gayonman, natupad ni Ma ang pangarap niyang ito sa gulang na 42, sa pamamagitan nang pagbubuo ng life-sized robot mula sa scratch sa balcony ng kanyang bahay.

Ang bunga ng kanyang pagsusumikap sa loob ng isa’t kalahating taon, at sa budget na mahigit $50,000, ang babaeng robot prototype na tinawag niyang si Mark 1, ibinase niya sa Hollywood star na hindi niya binanggit ang pangalan.

Gayonman, napansin ng outlets na ang robot ay kahawig ni Scarlett Johansson.

Ang robot ay tumutugon sa set nang nakaprogramang verbal commands na binibigkas sa microphone.

“I figured I should just do it when the timing is right and realize my dream. If I realize my dream, I will have no regrets in life,” pahayag ni Ma, na kinailangan matuto bago mabuo ang complex gadget.

Dahil ang simpleng pagkilos ng mga braso at paa, pag-iling ng ulo at pagyuko ng robot, na may dark blonde hair at liquid eyes, at nakasuot ng grey skirt at cropped top, ay nagdudulot nang detalyadong facial expressions.

Bilang tugon sa papuri, “Mark 1, you are so beautiful,” nagre-relax ang kilay at muscle sa paligid ng mata nito, at ang kanto ng labi ay umaangat, nagbubuo ng natural na pagngiti, at nagpapahayag ng katagang “Hehe, thank you.”

Ang 3D-printed skeleton ang nagbibigay ng suporta sa silicone skin ni Mark 1, at nasa loob ng kanyang katawan ang mechanical at electronic parts nito.

Tinatayang 70 porsiyento ng katawan nito ay binuo gamit ang 3D printing technology.

Gayonman, si Ma ay nag-iisa lamang sa pagbubuo niya nito. Aniya, wala siyang kilalang sino man sa dating British colony na nagbubuo ng humanoid robots bilang libangan at iilan lamang sa lungsod ang nakauunawa sa kanyang ambisyon.

“During this process, a lot of people would say things like, ‘Are you stupid? This takes a lot of money. Do you even know how to do it? It’s really hard,’” salaysay ni Ma.

Ginamit niya ang trial-and-error method at nakaranas siya ng mga sagabal mula sa pagkasunog ng eletric motors hanggang sa pagkawala ng balanse ng robot at pagkabuwal nito.

“When you look at everything together, it was really difficult,” ayon kay Ma, na kailangang i-master ang hindi pamilyar na paksa mula sa electromechanics hanggang sa programming, bukod sa pagsusukat ng external skin ng robot sa components nito.

Umaasa si Ma, naniniwalang lalawak pa ang kahalagahan ng mga robot, may investor na bumili ng kanyang prototype, at bigyan siya ng puhunan para makagawa pa nang marami nito, at nais na sumulat ng aklat kaugnay sa karanasan niyang ito, upang makatulong sa iba pang nagnanais na bumuo ng robot.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *