NAGWALA ang die-hard Maine Mendoza fans after one columnist reported sa isang tabloid na higit na mas malakas ang tilian ng fans nang lumabas si Alden Richards kaysa kay Maine nang i-launch sila bilang latest endorser ng isang clothing apparel.
Agad-agad na nag-react ang ilang fans at tinawag na basura ang mga tabloid.
Ganoon? Kung basura pala ay bakit sila nagbabasa ng tabloid? Saan ba nila unang nababasa ang mga kaganapan kay Maine, hindi ba sa tabloid?
Itong fans ni Maine na ito ang mga tunay na basura. Kung makapanglait akala mo mga nakapag-abroad o kaya ay graduates ng prestigious school.
Bakit, masama ba ang magsabi ng totoo na mas tinilian si Alden kaysa kay Maine? Bakit hindi kayo marunong tumanggap ng katotohanan? Mga ito, akala mo kung sino na sa social media.
UNCUT – Alex Brosas