Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Na-trap na porcupine fish, ayaw iwan ng BFF

ITO ang pagkakaibigan na ngayon ay viral na sa mundo. Sa video na ini-post ng Core Sea ay makikita ang isang porcupine fish na na-trap sa net sa Chaloklum Bay, Thailand. Ngunit hindi nag-iisa ang isdang ito.

Naroroon sa kanyang tabi ang isa pang isda na ayaw iwan ang kanyang kaibigan, bagama’t may dumating na tao.

Karaniwang lumalayo ang isda kapag may lumalapit na tao sa pangambang sila ay manganib, ngunit taliwas ang isdang ito.

Gumamit ang nasabing lalaki ng isang piraso ng basag na bote para putulin ang net upang makawala ang isda habang nakamatyag sa tabi ang isa pang isda.

Isinulat ni Barbara J. King, anthropology professor ng College of William and Mary, sa NPR, ang mga isda ay maaaring lalaki at babae, ngunit hindi pa ito makompirma.

Kalaunan ay naputol ang net at ang dalawang magkaibigang isda ay malayang nakalangoy palayo. (THE HUFFINGTON POST)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …