Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Ahas, daga, ebak at kidlat

Hi po Señor,

Aq po ulit, nag-drim po aq about sa ahas at daga, parang nailng dw aq kea umalis aq, tumkbo aq pro muntik n daw aq mkatpak ng dumi ng tao o ebak, tas naman ay bglang kumidlat, yun po… sana makita q ito sa tabloid nio, pro wag nio na lng sana lalagay cp q, plz.. plz… sorry po kng mahaba txt q po, Ofel..

To Ofel,

Ang panaginip ng hinggil sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.Ang daga ay may kaugnayan sa feelings of doubts, greed, guilt, unworthiness, at envy. Pilit mong itinatago ang isang bagay na labis na nagpapahirap sa iyo o kaya naman, may nagawa kang bagay na hindi mo ikinararangal. Alternatively, ang panaginip ukol sa daga ay may kaugnayan din sa repulsion, decay, dirtiness, and even death. Ang panaginip mo ay nagsa-suggest din ng iyong kawalan ng kakayahang harapin ang ilang unconscious issues or feelings. Kailangang mas malaman mo at kilalanin ang mga bagay na nararamdaman mo. (Itutuloy)

Maaari rin namang kabilang sa mensahe ng panaginip mo ang paghahanap mo ng mga bagay na makapagpapaligaya sa iyo ng lubusan.

Ang panaginip mo naman na takbo ka ng takbo ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Sa kaso mo, maaaring ito ay may kaugnayan sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo.

Ang dumi ng tao ay may kaugnayan naman sa aspeto ng iyong sarili na marumi at negatibo na tinatanggap o pinaniniwalaan mo rin namang undesirable at repulsive. Dapat mong kilalanin ang mga damdaming ito, kahit na maaaring isipin na ito ay nakakahiya. Ayon kay Freud, ang dumi ng tao ay may kaugnayn din sa possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya, ito ay maaari ring nagsasaad o simbolo ng iyong anxiety ukol sa usapin sa pera at financial security. Mayroon ding paniniwala ang matatanda sa atin na kapag nanaginip ng dumi ng tao, magkakapera ka kung nahawakan mo taw ito mismo sa iyong panaginip. Mayroong nagsasabi na totoo ito at mayroon din namang nagsasabi na hindi raw. Siguro ay case to case basis lang o kaya naman, nagkataon lang. Pero ikaw mismo ay puwedeng mag-obserba kung magkakatotoo o nagkatotoo nga ito sa kaso mo.

Ang bungang-tulog naman hinggil sa kidlat ay may kaugnayan sa sudden awareness, insight, spiritual revelation, truth at purification. Alternatively, ang kidlat ay maaaring nagsasaad ng shocking turn of events. Maaari rin na nagbababala ito na may forces na nakakasakop sa iyo na maaaring maging destructive at mag-alis ng kontrol mo sa iyong sariling buhay. Posible rin naman na simbolo ito ng irreversible changes na mangyayari sa iyong buhay, na magiging daan upang magpabago sa iyo.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *