BIGLANG naglaho ang isang babae habang may isinasagawang live news report sa Danish TV. Ngunit talaga bang naglaho siya?
Sa video na naging viral, makikita ang isang blonde woman na nakatayo sa background ng shot habang kinakapanayam ang isang lalaki sa airport’s baggage claim para sa TV2’s Sports Center show.
Isa pang babae ang kumausap sa kanya at siya ay nilagpasan, habang may tulak na trolley, at mistulang naglaho ang unang babae.
Sa espekulasyon ng ilang viewers, ang mistulang magical woman ay isang multo. Habang sinabi ng iba na ang ‘vanishing act’ ay maaaring ‘alien activity’.
Ngunit kung susuriing mabuti, at kung tayo ay nasa malapit, maaaring makita kung ano ang nangyari. Ang babae ‘coincidentally’ ay naglakad nang halos eksakto habang naglalakad din ang nagtutulak ng trolley.
Ang kanyang blue jeans ay ‘visible’ sa gap sa pagitan ng braso at katawan ng isa pang babae. Makikita rin ang ‘traces’ ng kanyang blond hair, nang bahagya sa likod ng ulo ng babaeng brunette.
Maaaring mistulang multo, ngunit hindi ito paranormal activity.
Ang video ay itinampok sa TV2’s late night “Natholdet” (The Night Shift) talk show at kumalat sa Reddit.
Kinompirma ng show sa Huffington Post, ang lalaking kinapanayam ay ang Denmark’s national women’s handball head coach Klavs Bruun Jørgensen, at ang babaeng mistulang naglaho ay handball expert na si Trine Jensen. (THE HUFFINGTON POST)