Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sports car ni Daniel, P9-M ang halaga

BONGGA si Daniel Padilla, ha. Mayroon kasi siyang worth P9-M na sports car.

Isa itong red Corvette at talaga namang tiyak na marami ang maiinggit sa kanya. Ang chika, dinadala raw ang sports car sa shooting or taping.

Nakita na namin ang photo ng Corvette ni Daniel sa isang website.

Hindi naman kataka-takang makabili ng P9-M worth na sports car si Daniel. Ang dami niyang raket, ‘no!

Actually, bukod sa basketball ay ang pagbili ng sports car ang bisyo ng binata. Hindi siya mahilig mag-bar hopping, wala siyang interest sa mga gimikan.

Puro multi-million ang acquisitions ni Daniel. Ang bahay niya ay worth P30-M daw.

Just recently, ipinakita ni Daniel kung gaano niya kamahal si Kathryn Bernardonang mag-celebrate ito ng kanyang 20th birthday. Go siya sa Balesin Island, isang exclusive resort, para sa birthday celebration ng dalaga. Hindi siya puwedeng mawala sa okasyon, tumatanaw siya ng malaking utang na loob kay Kath.

Si Kath kasi ang pumili sa kanya mula sa hanay ng young male stars para maging leading man niya sa isang teleserye. Tinatanaw niya na malaking utang na loob iyon kay Kath.

Matapos kasing sumikat si Kath sa Mara Clara ay binigyan siya ng soap opera at pinamili kung sino ang gusto niyang maging ka-love team.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …