Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Matinding away kay mister

Gandang araw po sir,

S pnginip ko ay mdlas na mtndi ung away nmin ng aking mster, medyo nag-aalaala po tuloy ako, bkit po ba ganun? Sana ay mabasa ko ang sgot nio s HATAW, pls dnt post na lng po my cp # kol me Loiza, tnk u po

To Loiza,

Kapag nanaginip na ikaw ay nakikipag-away, ito ay nagsasaad ng inner turmoil. Ang ilang aspeto ng iyong pagkatao ay may conflict sa ibang aspeto ng iyong sarili. Maaaring dahil ito sa hindi pa nareresolba o hindi kinikilalang bahagi ng pagkatao mo na nakikipaglaban sa karapatan nito na madinig. Ito ay maaari rin na parallel sa pakikipaglaban o sa struggle na iyong pinagdadaanan sa estadong ikaw ay gising. Ang ganitong bungang-tulog din ay maaaring repleksiyon ng tunay na kalagayan ng inyong relasyon sa reyalidad ng asawa mo. Nagpapakitang may suliranin sa inyo na hindi ninyo hinaharap o kaya naman, may agam-agam ka sa inyong relasyon at nag-aalala ka sa kahihinatnan nito. Posible rin na ang rason nito ay kakulangan ng tiwala sa isa’t isa at kakulangan ng maayos na komunikasyon. Tandaan mo na ang isa sa mahalagang sangkap sa matiwasay na relasyon ay ang tiwala, kaya hindi ito dapat nawawala sa inyo. Makabubuting mag-usap ng mapayapa at masinsinan upang kayo ay magka-intindihan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …