To Señor H,
Dalawa po panaginip ko last week pa, una ay ipis, next naman ay kalapati, paki-interpret naman po, wag n’yo na lang post cp ko, thenk you Señor, kol me Jayme
To Jayme,
Kapag nanaginip ng ukol sa kalapati, ito ay sumisimbolo sa peace, tranquility, harmony, affection, at innocence. Partikular, kapag nakakita ng puting kalapati sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent sa loyalty, love, simplicity, gentleness, at friendships. Ito ay maaari rin namang may kaugnayan sa mensahe at blessing mula sa Holy Spirit. Bunsod marahil ng pag-alis sa iyong puso at isipan ng hinggil sa hate at revenge. Kung ang bungang-tulog mo naman ay nagpapakita ng mating-doves at gumagawa ng pugad, ito ay sagisag ng joyous home life na punompuno ng love, tranquility, pleasure, at security.
Kung ikaw naman ay nakakita ng ipis sa panaginip mo, ito ay sumisimbolo sa karumihan o pagiging marumi. Nagre-represent din naman ito ng longevity, tenacity, and renewal. Kailangang ire-evaluate ang mahahalagang aspeto ng iyong buhay. Alternatively, ang ganitong klase ng bungang tulog ay nagpapakita ng hindi magagandang katangian na dapat mong harapin o bigyan pansin. Samantala, ito ay maaaring ‘pun’ din hinggil sa paninigarilyo ng marijuana.
Señor H.