Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpintas ni Maine kay Enchong, huli sa Twitter

“SANA imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng       kapintasan sa amin, e, sana humarap din muna kayo sa salamin. Kasi pare-pareho tayo na hindi tayo perpekto. Lahat tayo nagkakamali.”

“Hindi ako Diyos pero sigurado ako at sinasabi ko sa inyo, kung anuman ‘yong hindi n’yo magandang ginagawa sa kapwa ninyo, babalik din sa inyo,” say niMaine Mendoza noong birthday niya.

Pero ang nakatutuwa, may lumabas sa isang Facebook fan page ng screen grab ngTwitter message ni Maine.

“Chura ni Enchong. Di ako naggawapuhan sakanya,” say ni Maine.

When it got posted kahit na na-post ang tweet ni Maine noong 2010 pa ay niresbakan siya ng kanyang bashers.

“Hala grabe makapanlait biglang sumikat ganyan kna,di nman kagandahan,ngayon lang gumanda simula ng sumikat…Duh sabi mo pa nga Maine na manalamin muna bago manghusga..Nilamon mo rin sinabi mo.”

“Wow kumahol na naman ang pinakamagandang endorser ngayon kala ko ba mataas ang pinag-aralan mo ganyan ba ang edukada Kung makahusga kala mo napakaganda nya eh sana pala di na nauso ang app na dubsmash para di ka na nakilala ng Tao.”

“Kala mo kung cnu kang kagandahan Maine! Ang taba kaya ng nguso mo!!!! Kakasikat mo LNG ganyan kna!! Never mo AQ mggng fan XE asal kalye tlga!!! Yucksie!”

Ilan lang ‘yan sa nabasa nming messages against Maine.

“I find this funny cnbi lng na hnd nggwapuhan bash agad? Hnd b pwdng opinyon nya un? Ang bash ung may pang lalait like mukang bayawak tpos jul 12 2010 pa to. Hakot n hakot xD not a fan. Ntwa lng tlga ako,” say ng isang fan ni Maine.

We felt that Maine should walk her talk. Sabi nga niya, dapat manalamin ang detractors niya dahil no one is perfect, may mga kamalian ang mga ito.

But with her past post, mukhang siya ang dapat manalamin.

( Alex Brosas )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …