Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paandar ni Maine sa mga basher, pinalagan

PINALAGAN ng isang netizen named Keneth Quinto ang paandar ni Maine Mendoza sa mga basher niya recently.

“Sana imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng kapintasan sa amin, e, sana humarap din muna kayo sa salamin. Kasi pare-pareho tayo na hindi tayo perpekto. Lahat tayo nagkakamali.”

“Hindi ako Diyos pero sigurado ako at sinasabi ko sa inyo, kung anuman ‘yong hindi n’yo magandang ginagawa sa kapwa ninyo, babalik din sa inyo,” say ni Maine.

May sagot naman si Keneth dito: ”Noong sinisiraan ng mga AlDog si @vicegandako, bakit hindi mo sinaway yang mga fans mong ulol?

“Para sa kaalaman mo, Maine Mendoza, noong sadsad na sadsad sa ratings ang Showtime, noong puro negative criticism ang nare-receive nila mula sa “sensitive” nyong mga fans, noong kasikatan ng Kalyeserye, walang ginawa ang mga fans mo kundi kumahol sa bawat posts ng ABS-CBN.

“Bago mo pagsabihan ang mga bashers mo, pagsabihan mo muna yang mga fans mo. Actually, isa ako sa mga nagagalingan sayo noon. Totoo yan! Pero ngayon? Sus. Humihingi ka ng respeto, pero kapag ibang artista ang binabastos ng mga fans nyo, okay lang sayo.

“Pakisabi nga pala to sa mga fans mong nag-iinaso:

“Sana imbes na maghanap sila ng mali kay Vice Ganda, ng kapintasan sa kanya, sana humarap din muna sila sa salamin dahil pare-parehas lang naman tayong tao. Hindi tayo perpekto.

“Lahat tayo nagkakamali. Kaya’t wag nilang silipin ng silipin ang mga pagkakamali ni Vice. Hindi rin ako Diyos, pero kitang kita ng mga tao na bilog talaga ang mundo. Noon, nasa taas kayo kasama ang mga fans nyo. Ngayon? Lahat ng hindi magandang ginawa nila, bumalik na sa kanila at sa inyo na idolo nila. Totoo yang last statement mo, kasi nangyayari na.

“Kwento mo yan sa 74 na nauto ni Alden ha? Kapag bagsak na, wag nang gumawa pa ng ingay para pag-usapan. Desperada.”

Taray ni Keneth, ‘di ba?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …