Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lunch at dinner date nina Lovi at Rocco, ayaw pag-usapan

MAY nakakita kay Lovi Poe nang bisitahin niya ang ex-boyfriend na si Rocco Nacino sa set ng Bar Boys, isang indie film produced by Vanessa Ulgado.

May nakapagsabi lang sa amin na nag-lunch at nag-dinner sina Lovi at Rocco kaya naman naitanong namin ito sa kanyan sa set visit namin sa nasabing indie film last weekend sa Xavier School sa Greenhills.

When  we asked Rocco kung nagkabalikan sila, paiwas ang sagot ng actor.

“Ano lang, nag-lunch lang, nag-dinner, ganoon lang. I don’t want to talk about it. We keep things private. We’ll leave it at that na lang,” sabi niya.

Anyway, big challenge kay Rocco ang pagganap bilang law freshman sa Bar Boys.

“We, me and direk Kip (Oebanta) did a lot of readings together. I was supposed to research. I like that to be my technique, eh—immersion. Pupunta ako sa college of law to get a feel of it.  Pero when I was about to do that sabi ni direk Kip sa akin, ‘you don’t have to do that. Let’s keep it na lang raw para when you ano ay wala kang peg kapag gumawa ka ng character mo. Kung ano ang gagawin mo rito ay ikaw na ikaw, very natural,’” say ng actor when we asked him kung paano siya nag-repare sa kanyang role na ang description niya ay “sarcastic at mataas ang ihi”.

First time nakatrabaho ni Rocco si Carlo Aquino pero matagal na niyang kakilala si Kean Cipriano. Si Enzo Pineda naman ay kasamahan niya sa StarStrucknoon.

“Noon ko pa kilala si Kean Cipriano. Si Carlo ngayon ko lang nakatrabaho. It’s a fun group. I can say barkada na kami. We talk a lot, we joke a lot. Gusto naming kompleto kaming apat. It’s four guys, lahat mapapag-usapan n ‘yo. It’s fun. Matagal ng walang barkada so it’s nice.”

( Alex Brosas )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …