“WHITEWASHING as expected.”
‘Yan ang tila sagot ni Vivian Velez nang iabsuwelto ng Tubig at Langisproduction staff si Cristine Reyes sa away nito sa former Miss Body Beautiful.
“With much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the show, ‘Tubig at Langis’. I have never been so upset and humiliated by an actress in my entire career spanning four decades!” Vivian posted on her social median account.
Sa press statement ng ABS-CBN, inabsuwelto nila si Cristine.
“Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na si Vivian Velez. Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa. Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito.
“Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya. Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito.”
UNCUT – Alex Brosas