Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Singsing, prutas at bulaklak (2)

Ukol naman sa bulaklak sa panaginip mo, ito ay may kaugnayan sa kindness, compassion, gentleness, pleasure, beauty, at gain. Ito rin ay simbolo ng perfection at spirituality. Ang ganitong bungang-tulog ay maaari rin expression of love, joy at happiness. Alternatively, ang bulaklak ay maaari rin namang nagsasaad ng partikular na time o season. Kung ang bulaklak ay puti, maaaring ito ay sumasagisag sa kalungkutan. Kung ang natanggap ay bouquet of flowers, ito ay nagre-represent ng respect, approval, admiration, at rewards.Ang mga prutas ay nagpapakita ng growth, abundance at financial gain. Sa kabilang banda, ito ay simbolo rin naman ng lust at sexuality. Ang mga berdeng prutas ay may kaugnayan sa iyong hastiness at disappointed efforts. Nagpapa-alala rin ito sa iyo na kailangang dagdagan ang sipag at tiyaga upang maabot mo ang iyong mithiin sa buhay. Maaari rin namang nagre-represent ang mga prutas, kung ito ay hinog na, ng fertility at conception, lalo kung sakaling ikaw ay isang babae.

Ang bintana sa panaginip ay ay may kaugnayan sa bright hopes, vast possibilities and insight. Maaaring may kaugnayan din ito sa outlook sa buhay, pati na ang ukol sa intuition and awareness. Posibleng hinggil din ang ganitong bungang-tulog sa hinahanap na mahalagang desisyon o soul searching.

Ang kabayo naman sa panaginip ay sumasagisag sa strength, power, endurance, virility, at sexual prowess. Ito ay nagpapakita rin ng strong, physical energy. Kailangan mong rendahan ang mga wild forces. Maaari rin namang nagpapa-alala ito sa iyo na ikaw ay gumagawa ng kalokohan. Alternatively, posible rin na paalala ito na dapat bawasan ang pagiging arogante kung may ganoong tendency ka, at bumaba sa mataas na pagkakaluklok sa ibabaw ng kabayo. Kung ikaw naman ay nanaginip ng ukol sa maberdeng puno, ito ay sumisimbolo ng new hopes, growth, desires, knowledge, at life. Ito rin ay nagsasaad ng strength, protection, at stability. Ikaw ay naka-focus at nagko-concentrate sa iyong pansariling development at individuation.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …