AMSTERDAM (Reuters) – Iniatas ng gang ng hinihinalang drug-dealers sa Amsterdam ang pagbabantay sa kanilang pera sa mabagsik na mga guwardiya, ang dalawang malaking buwaya.
Ito ang natuklasan ng mga imbestigador makaraan maaresto ang 11 suspek na kinabibilangan ng mga lalaki at babae, may gulang na 25 hanggang 55-anyos.
Nakompiska rin nila ang 300,000 euros, ang bulto nito ay nasa loob kulungan ng mga buwaya.
“It’s very unusual for drug dealers to use crocodiles to guard their money,” pahayag ni police spokesman Frans Zuiderhoek.
“I think they thought it was safer.”
Ang mga suspek, kabilang ang may-ari ng mga buwaya, ay nakatakdang iharap sa korte.
Nakompiska rin sa operasyon ang malaking bulto ng hinihinalang synthetic drugs, mga armas at kalahating milyong euro na halaga ng crystal meth.
Ang hinihinalang dealers ay nagde-deliver ng droga sa daan-daang addresses, kabilang ang kalapit na Belgium, ayon sa pulisya.
Ang mga buwaya ay naroroon pa rin sa kanilang kulungan at inaalagaan ng kaibigan ng may-ari nito, dagdag pa ng pulisya.