Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, 3 hrs. late na sa pictorial, nanginginig pa

121715 aldub

GALIT na galit ang AlDub fans sa Esquire magazine.

Hindi kasi nila nagustuhan ang pagkakasulat ng article about Maine Mendoza. Ang feeling nila ay nabastos ang dalaga pati na ang JoWaPao sa February issue ng nasabing magazine.

Nabasa namin sa isang website ang sinasabing kapalpakan sa write-up. Talagang ipinost kasi nito ang mga phrase na nakasisira raw kay Maine.

Una, hindi nila nagustuhan nang tawaging C-Lister si Alden Richards. Pangalawa, naloka sila kasi nasa cover din sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros (JoWaPao) pero wala namang article sa kanila.

Halos magwala ang AlDub sa pagkakasulat ng article kay Maine. It was written kasi na three hours late si Maine sa pictorial. Nanginginig pa raw ito during the photo at wala rin daw spark ang mga mata nito. Halatang pagod na pagod daw ito.

At pinalabas pang isnabera si Maine as the  writer said nabigyan siya ng ”ample time to talk to everyone associated with Maine, except Maine herself.”

“eyes droopy and skin sagging” ang description kay Maine sa article.

Siyempre, bash ang inabot ng writer at pati ang magazine ay nadamay. Parang hindi raw magazine, parang tabloid daw ang atake sa article.

Actually, natuwa kami sa article kasi nagsabi talaga sila ng totoo. Masama bang sabihing three hours late si Maine kung ‘yon naman ang totoo? So, ang gusto pala ng AlDub ay palabasing professional si Maine kahit na late naman talaga ito?

Mukhan g nasanay sa kasinungalingan ang AlDub fans kaya hindi nila ma-take ang article which REEKS of reality. Bakit hindi sila marunong tumanggap ng katotohanan tungkol sa kanilang idol?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …