Gud pm po Señor H.,
Tanong q po kng ano ibig sabihin ng bahaghari kc sa age q po na 38, nw lng po aq nanaginip na habang umiiyak aq sa prblma napalingon aq sa taas at nakita q ung bahaghari na buo at nag-wish aq pero nang magising aq di q po maalala ‘yung cnabi q sa wish… slmt po. Abangan q po ang sagot u sa HATAW! (09758813887)
To 09758813887,
Kapag nakakita ng rainbow o bahaghari sa panaginip, ito ay sumasagisag sa hope, success at good fortune in the form of money, prestige, or fame. Ang rainbow ay maaaring nagpapakita rin bilang tulay o bridge between your earthly, grounded self and the higher, spiritual self. Ito ay nagpapakita rin ng hinggil sa joy and happiness sa isang relasyon. Alternatively, ang rainbow ay nagsasaad din na ang iyong mga suliranin ay halos matatapos na. Maganda ang kalalabasan ng mga kinakaharap na isyu, kailangan lang na magtiyaga at manalig. Sa Western culture, ang rainbow ay sagisag ng gay pride. Kung ang nakitang bahaghari sa bungang tulog ay all white, nagsasaad ito ng heightened spirituality and purity. Kapag ang nakita sa panaginip ay kulay ng bahaghari, nagsasaad ito na kailangang makita mo ang mga bagay-bagay sa mas positibong pananaw. Kailangan kang maging mas optimistic. Kung ang nakita sa panaginip ay mayroon kang rainbow colored hair, may kaugnayan ito sa iyong light-hearted at carefree nature. Ikaw ay patungo sa positive spiritual direction.
Ang panaginip naman na umiiyak ka ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing, at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.
Señor H.