HONESTLY, na-shock akong talaga nang magpa-thank you sa press si Vice Ganda kamakailan at hindi man lang kami naalalang imbitahan. Bakit ba naman magpapaka-plastic pa tayo ‘e umaasa naman talaga kaming hindi maaalalang pasalamatan ni Vice Chakah after all the giganitc effort that we’ve exerted? Plastic lang ‘yung magsasabing okay lang na hindi maalala ni Vice basta ginawa naman niya ang sa palagay niya’y nararapat.
Ako talaga, mataas ang expectation ko na maa-appreciate ni Vice ang aking ginawa.
After all, hindi naman talaga basta-basta ang ginawa naming pagtatanggol sa kanya at pati na rin kay Coco Martin, who is the paradigm of sweetness and good naturedness, at sa JaDine na mahal na mahal namin.
Honestly, sa unang arangkada talaga ng festival, it was AlDub all the way. With the 60 million earnings, sino ang mag-aakalang makahahabol pa ang Beauty & the Bestie na 23 million lang ang kinita sa unang dalawang araw?
But I did my best. Kung ‘yung iba ay pinuri lang ang Beauty & the Bestie, I went overboared, nilait-lait kong talaga ang My Bebe Love at iniangat ang Beauty & the Bestie na totoo namang higit na nakaaangat in terms of quality and production values.
And that is the truth!
Anyway, si Coco Martin, he knows really how to please the working press. Kaya talaga nagtatagal siya dahil marunong tumanaw ng utang na loob at napakabait.
Sa totoo, he doesn’t have a mean streak in his system.
Besides, when he did Beauty & the Bestie, he was on top of the heap. Super taas ang rating ng kanyang Ang Probinsiyano samantala naghihingalo na ang It’s Showtime na one digit na lang ang nakukuhang rating. Harharharharharhar!
Kung ano’ng guwapo niya at amo ng mukha ay siya namang bait niya. Hindi ba tulad ni Vice na bait-baitan lang kapag nalalaos na at nilalait na ng netizens. Hahahahahahahahahahaha!
Kita n’yo nga kung makaporma na naman sa ngayon at angat na naman ang yabang sa katawan.
Bago? Hahahahahahahahahaha!
Limot na limot na nga niyang hilahod na siya sa hirap at halos ilampaso na ng netizens dahil laos na siya.
Laos na raw siya, o! Harharharharharahar!
Kay dali niyang nakalimot ngayong on his road to ignominy na siya bago nagpakita ng lakas ang Beauty & the Bestie.
How gross!
Anyway, pinasalamatan ng plastikadang si Vice ang mga press na ang naka-headline lang naman sa mga columns nila ay P60 millions na kinita ng AlDub. Harharharharhaharharharhar!
Sino pa ba ang nagtanggol sa kanya? Si Alex Brosas lang yata ang consistent naman sa pagpuri sa kanyang pelikula.
Pero ang nakararami, puro AlDub at ang P60 million na kinita nila sa festival ang laman ng columns. Tapos ini-invite dahi hindi raw siya iniwanan.
Baloney!
Isang malaking kaplastikan!
Anyway, tingnan natin ang kanyang diskarte kung talagang mame-maintain niya ang kanyang status.
Kaya?
Kebs ko ba? Maglupa na naman siya at malaos, kebs ko! I don’t give a fucking hot if he loses his magic touch and becomes a has been overnight. Dapat lang sa taong tulad niyan ay nalalaos.
Basta ako, forever Coco Martin follower ako. This guy knows how to give thanks to people who are going out of their way to push his career to the limits. Wala siya ni katiting na yabang sa katawan. He’s as real as the grounds he walks on.
Hindi man kami masyadong close sa kanya, from a distance, mahal na mahal namin siya beyond words.
Ito ang taong dapat talagang suportahan ng press dahil wala ni katiting mang yabang sa katawan at tunay namang napakabait.
Mabuhay ka, Coco! Hinding-hindi ka mag-iisa!
BAKIT KAILANGANG I-COMPARE LASI SINA NORA AT VILMA?Nao-offend ang Noranians dahil lagi na lang ikino-compare si Ate Vi sa kanilang idolo.
Naroong sabihing Vilma can still command quite a huge fee for her services, while Nora’s sidelined to the indie movies that she gets to do.
Siguro at this point, okay na lang na isulat ang achievements ni Ate Vi (like her movie with Angel Locsin and Xian Lim fittingly billed All About Her) wherein she really is given top billing.
Maganda naman talaga ang story line nito at for a change ay iba naman ang character ni Ate Vi. Parang bida-kontrabida na hindi naman niya gaanong nagagawa lately.
Pero sana naman, i-focus na lang ang slant ng publicity sa merits ng pelikula at iwasang mag-side comment sa status ni Ate Guy.
Hindi man gumagawa ng major, major movie si Nora, she is also doing some award winning movies that have been giving her numerous awards not only locally but mainly, abroad.
Sa TV naman, her Little Nanay is doing well and is not scared to be pitted against the gigantic TV soaps of the rival network.
On the side, maganda rin ang reviews sa kanyang participation sa Walang Tulugan at malamang na magka-career siya rito.
Si Ate Vi naman, maayos na maayos ang kanyang domestic life at maging ang kanyang political career ay stable, wala na siguro siyang mahihiling pa.
Palabas na nga pala ang kanilang All About Her starting January 27.
WISH I MAY, WAGING-WAGI!
Hindi pinalampas ng avid Kapuso viewers ang pagsisimula ng Wish I May, ang pinakabagong Afternoon Prime series ng GMA 7. At hindi lang sa telebisyon bumuhos ang suporta ng mga manonood dahil pati sa social networking sites ay punong-puno ng positibong komento sa programa.
Hot topic sa Twitter ang pilot episode ng serye na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at kasama sina Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Alessandra de Rossi, Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Neil Ryan Sese, Ashley Ortega, Sancho delas Alas, Prince Villanueva with the special participation of Mark Herras sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario at ni Mark Sicat dela Cruz.
Narito ang ilan sa mga comments:
Jamie Jean @JamieJean_19
Waahhh!! Napanood ko na ang Wish I May…Grbe ang gnda..panu pa kya kung sila Cacai at Tantan na ang lumabas sa Wish I May #WishIMay
Jorge Tan Umalix @tan_umalix
Sa tagal ng paghihintay ko…sa wakas nagbalik na din sila…sino pa ba?? Edi angn #1 teen love team…BIGUEL #WishIMay
Dimple Dimaunahan @dhimpz15
Grabe! Ang Ganda Talaga Ng Wish I May. Patalastas Pa Lang.*Excited Nakong Ipakita sina Ate Bianca At Kuya Miguel #WishIMay
Cielo villarta @taray210
#WishIMay…thanks GMA for this new teleserye…worth watching
Umarangkada maging sa TV ratings nationwide ang serye at agad nitong pinataob ang kalabang programa sa Kapamilya.
Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement noong Lunes (Enero 18), nakakuha ang Wish I May ng 14.8% household rating sa NUTAM kompara sa katapat nitong programa na It’s Showtime na nakapagtala ng 13.3% at Doble Kara na nakapagtala ng 12.5%.
Mapapanood ang Wish I May Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Telebabad.
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.