
TAPOS ng matagumpay na show ni Marion sa US at Canada, nakatakda siyang mag-show ulit sa abroad very soon, this time ay sa Europe naman. May nakatakda siyang show sa Germany sa May samantala under negotiations pa ang isa pang show, na sa London naman.
Ayon kay Marion, masaya siya sa naging pagtanggap ng audience sa huling show niya sa abroad. “Successful naman po yung shows sa US and Canada. Super jetlag and travel, pero worth it naman po dahil very warm yung welcome namin in each city,” nakangiting pahayag ng talented na singer/composer.
Ibinalita rin ni Marion na ang Free Fall Into Love na carrier single ng self-titled latest album niya ay gagamitin ng ABS CBN. “Then, gagamitin po ng ABS CBN ‘yung single ko na Free Fall Into Love para sa #febibigwins na TV plugs nila starting this January.” Naikuwento rin ni Marion ang iba pang balita ukol sa kanya. “Then ‘yung music video na shinoot ko sa New York para sa song na sinulat ni Ashley, ‘yung Ako Siguro. Plus, no-minated po ako for three awards sa Wish 107.5 Music Awards na gaganapin sa Araneta on January 26 for: Best wishclusive Performance by a Female Artist category, Wish Original Song of the Year and Wish Female Artist of the Year.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com