Monday , December 23 2024

QCPD Tata Francisco Crisanto, piyansador ka ba o estapador!? (Attention: Gen. Edgardo Tinio)

061315 PNP QCPD‘Yan ang gusto natin itanong sa isang FRANCISCO CRISANTO na nagpakilalang pulis-QCPD sa kanyang kapitbahay na probinsiyano.

Mistulang sinakluban ng langit at lupa ang mga kaanak ng isang pobreng driver na alyas DANNY na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Caloocan PNP traffic section sa Samson road Caloocan dahil lamang sa banggaan ng kotse nitong nakaraang Enero 2.

Ang siste, dahil sa kawalan ng alam sa batas ay nagpatong-patong ang kaso na kinarga kay Danny gaya ng reckless imprudence resulting in damage to property, driving under the influence of alcohol at ang masaklap ay mayroon pang physical injury na kung tutuusin ay mas malala pa ang sugat sa katawan ni Danny kaysa driver na nakabangga n’ya.

Sino ba naman ang may kagustuhan na mangyari ito!?

Kaya nga aksidente ‘di ho ba?

Ito na, makalipas ang isang linggong pagkakakulong, isang Tata Franciso Crisanto na kilalang pulis sa kanilang lugar ang nilapitan ng kapatid ni Danny para tulungan silang mailabas si Danny.

Kaagad na humirit ng 12k si Tata Franciso para pampiyansa at dahil magaling ang boladas ay ibinigay agad ng utol ni Danny.

Ayos na sana dahil may isang pulis na handang tumulong sa kanila.

Ang siste, ilang linggo na ang nakalipas ay nganga at nakakulong pa rin si Danny!

Sonabagan!!!

Tata Franciso Crisanto, kung hindi mo rin lang matutulungan makapagpiyansa ang pobreng si Danny ay mas mabuti na ibalik mo na lang ang perang kinuha mo!

Maawa ka naman sa pamilya ni Danny na umasang matutulungan sila pero nadagdagan pa ang problema nila!

PNP-QCPD district director Gen. Edgardo Tinio, baka ho pwedeng tulungan n’yo ang pamilya ni Danny na maibalik na lang ang perang pampiyansa n’ya.

At pakikastigo na rin itong si Tata Francisco Crisanto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *