Wednesday , January 8 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Tubig at ipoipo sa panaginip

00 PanaginipDear Señor H,

Noong 2012 nanaginip ako nang tubig at sa una ay sinubukan ko tumawid ay naputol ang panaginip ko, tapos nasa loob daw ako nang parang gubat at may tubig na dumating at naputol na naman ang panaginip ko, un po ay tatlong gabi na magkakasunod na puro tubig ang napanaginipan ko, tapos tatlong gabi na puro nman ipoipo ang napapanaginipan ko, ano po kaya ibig sabihin non??? Pls po pkisagot… Slmat po.

(09169214721)

To 09169214721,

Ang tubig ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay ang living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality. Nagpapakita rin ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi ang tubig, nagpapakita ito na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace. Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded.

Kapag nanaginip na ikaw ay nasa gubat o forest, ito ay may kaugnayan sa transitional phase. Sundin ang iyong instincts. Alternatively, ito ay nagsasabi na gusto mong makatakas para sa mas simpleng buhay. Pakiwari mo, ikaw ay tinitimbang dahil sa demands na kinakaharap sa buhay. Kung sa panaginip mo naman ay nawala ka sa gubat, ito ay nagsasaad na hinahanap mo sa pamamagitan ng iyong subconscious, ang mas malinaw na pagkilala o pag-unawa sa iyong sarili. Kung mayroon namang forest fire, nagpapakita ito na ang transformation at regeneration ay posible lamang sa ilang hirap o pagsubok na mararanasan. Alternatively, ito ay nagsa-suggest na ang iyong galit ay hindi mo na makontrol, na sa puntong ito ay nakaka-apekto na sa mga tao sa iyong paligid.

Ang ipo-ipo naman ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng extreme emotional outbursts and temper tantrums. Magbalik-tanaw kung mayroong sitwasyon o relasyon sa buhay mo na maituturing mong potentially destructive. Ito ay posibleng nagpapakita rin ng kawalan ng control, komplikadong mga plano at pagdating ng mga bagay na maaaring panghinayangan. O kaya naman, mga tao sa paligid na prone to violent outbursts and shifting mood swings. Posible rin na nagre-represent ito ng volatile situation o relationship.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *