Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Buntis sa panaginip

00 PanaginipGood morning po,

Paki-interpret nman po ng panaginip ko, last, last night, napanaginipan ko po kc ung amo ko, tpos po nsa bahai po nla kami ksama ko ang kuya kng bakla, tpos po nagmadali na po akng umuwi sa aming pro-binsya knabukasan kaso po ung kuya kng bakla prang ayaw pa niyang umuwe, and then sa dulo po ng panaginip ko may matanda po akong nkasalubong na pnsan ko raw po peru hnd ko siya mamukaan kng pnsan ko po siya tlaga tpos nilapitan niya po ako sabi niya po sakin bakit daw po ako nagiging balisa na buntis ako tpos bigla niya pong cnabi na cnu raw po ang ama ng pinagbubuntis ko, but in real life d po ako buntis actually po may mens po ako nong nanaginip ako. Thanks po aabangan ko po inyong sagot. Pls dont post my cp no.

Call me Marvelous

To Marvelous,

Kapag nanaginip ka ng ukol sa iyong hometown o probinsiya, ito ay nagsasaad na maaaring may nararanasan kang ilang unexpressed feelings. Pakiwari mo ay hindi mo lubusang maipahayag ang iyong damdamin. Maaaring ito ay bunsod ng ilang unfinished feeling in your waking life. Ang ganitong bungang-tulog ay posibleng repleksiyon din ng aspeto ng iyong sarili na prominent or developed nang ikaw ay nakatira pa sa iyong bayan o probinsiya. Mayroon bang ilang values or ideals na inalis mo na sa iyo o inabandona mo na nang nanirahan ka sa malaking lungsod? Kinalimutan mo na ba ang dating aspeto ng iyong sarili at kung sino ka talaga? Maaari kasing ito ang dahilan o siyang naging trigger kaya ka nanaginip ng ganyan.

Kapag nanaginip na ikaw ay buntis, ito ay simbolo ng aspeto sa iyong sarili o ilang aspeto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal. Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Kung hindi ka naman talaga buntis at walang intensiyong magpabuntis, maaaring ang panaginip mong ito ay dahil lang sa ilang mga bagay na nagsilbing trigger para managinip ng ganito at wala naman talagang significance sa iyo at sa iyong sitwasyon, kaya hindi mo na ito dapat pang isipin.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …