Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Lokasyon ng kusina

00 fengshuiANG lokasyon, disensyo at feng shui basics ng inyong kusina ay ikinokonsiderang mahalaga sa good feng shui floor plan. Katunayan, ang kusina ay itinuturing na bahagi ng tinaguriang “feng shui trinity” – ang bedroom, bathroom at kusina – dahil ito ang pinakamahalaga sa inyong kalusugan at kagalingan.

Ang itinuturing na “worst feng shui positioning” ng kusina ay ang kusina na malapit sa front door at unang nakikita sa pagpasok sa bahay. Hindi kasama rito ang kusina na malayo sa pintuan na makikita mo nang bahagya mula sa front entrance; ito ay sa floor plan na literal kang papasok sa bahay sa pamamagitan ng pagdaan sa kusina.

Maging sa kondisyong ito, mayroong ‘better and worse scenarios.’ Ang oven na iyong makikita mula sa front door, o naka-align sa front door, ay ikinokonsiderang very bad feng shui. Mas bahagyang mainam kung ang makikita mo ang nice view ng kusina, halimbwa ay kitchen island na may mga bulaklak, o maliit na herb garden para sa good feng shui.

Ang isa pang bad feng shui floor plan kitchen location ay ang kusina na nasa ilalim ng banyo, o nakaharap sa banyo.

Ang dahilan ito ay simpleng common sense – ang dalawang enerhiya ay dapat na magkalayo at hindi magkasama.

Ang huling bad feng shui kitchen location ay ang kusina na malapit sa hagdanan – ang dalawang enerhiya ay magkataliwas sa isa’t isa kaya dapat na magkaroon ng distansiya sa kanilang pagitan.

Ang moderately challenging kitchen locations ay ang kusina na malapit sa laundry room o sa garahe, ngunit ang senaryong ito ay mas madaling gawan ng paraan.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …