Saturday , November 23 2024

Pinagputulan ng kuko ginawang designer paperweights

122815 Mike Drake kuko nail designer paperweights
IPINATUPAD ni Mike Drake ang konseptong “reuse, renew and re-cycle” sa bizarre extremes.

Inipon ng 45-anyos residente ng Queens ang bawat pinagputulan niya ng kuko sa kanyang mga daliri sa kamay at paa at ginawa itong designer paperweights.

At naibenta ni Drake ang keratin-packed paperweights sa halagang $300 hanggang $500 kada piraso.

Sinimulan ni Drake ang pag-iipon ng pinagputulan ng kuko 11 taon na ang nakararaan. “I used to bite my nails, and I wondered how long they could grow,” pahayag niya The Huffington Post.

“And then I wondered how much I might be able to accumulate.”

Nagawa ni Drake na makaipon ng mga kuko sa loob ng isang taon na inilagay niya sa Ziploc baggie, tinatayang 1,040 clippings, hindi sa binilang niya ito. (Hindi siya ganoon).

Itatapon na sana niya ito nang bigla siyang may naisip na ideya.

“I realized I went to all that effort, and I figured, in for a penny, in for a pound,” aniya. “I already worked with acrylics as a hobby so I decided to make paperweights.”

Gumawa si Drake ng isang nail clipping paperweight kada taon at pinili ang kulay na green – hindi dahil kakulay nito ang toenail fungus.

“I like the jade color because it gives off an emerald quality,” aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa si Drake ng kakaibang paperweights.

Noong 2011, tumulong siyang makaipon ng pondo para sa veteran’s hospital sa pamamagitan ng paggawa ng paperweights na yari sa prosthetic eyeballs na ginamit ng mga sundalo.

“Each eyeball came with a story about how the vet lost his eye,” pahayag ni Drake.

Sa tulong ng eyeballs ay nakaipon ng maraming pera para sa kawanggawa at nakatulong upang mapansin si Drake ng Ripley’s Believe It Or Not!

Maraming fingernail paperweights ni Drake ang binili ng Ripley’s at inilagay ang mga ito sa display sa Odditorium ng kompanya, at inilagay rin sa bago nilang libro na “Eye-Popping Oddities.”

“Some people told me not to sell them because fingernails can be used in voodoo spells,” ayon kay Drake. ( THE HUFFINGTON POST )

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *