Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby panda nakatulog sa harap ng media

122215 Panda
MISTULANG walang paki-alam ang cute na baby panda na si Bei Bei na nakatulog habang ipinakikilala sa media.

Ang 4-buwan gulang na baby panda ay humihilik sa ginanap na media debu sa Smithsonian National Zoo sa Washington, D.C. At nag-iwan pa siya ng laway sa mesa.

Nauna rito, ang baby panda ay nakitang pumapalag dahil sa ‘excitement’ habang karga ng kanyang handler, sinasabing masigla pa nang ilabas sa kanyang kulungan para sa media appearance.

Ngunit maaaring napagod sa pagpapagulong-gulong sa taniman ng kawayan, kaya nang ilapag sa mesa ay nakatulog.

Sa Washington Post video, mapapanood ang mga journalist at photographers habang nagtatanong at umaasang makakukuha ng good photo op.

Ngunit si Bei Bei, ay mistulang walang pakialam na natulog.

Si Bei Bei ay isinilang noong Agosto ng National Zoo’s resident panda, na si Mei Xiang, at gaganapin ang kanyang public debut sa zoo sa Enero 16, ayon sa ulat ng CNN.

Ayon sa plano, si Bei Bie ay dadalhin sa China pagsapit ng 4-anyos upang tuparin ang kanyang kapalarang maging ama ng baby panda cubs sa hinaharap.

(THE HUFFINGTON POST)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …