Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: hinahabol ng holdaper

00 PanaginipDear Senor H

Ganito po kasi yun call me beauty nalang po, nanaginip po ako kanina na may niligtas daw po ako na item or something na tao ganun po tuma-takbo daw po ako sa kabila ng mga hold-uppers tapos po may mga baril tapos po nung di daw po nila ko mahuli meron daw po silang item na parang malaking solar or something tapos daw po lumabas dun po yung sobrang malaking bolang apoy na gumu-gulong tapos po may dalawan po may dalawang tao na masusunog na nagulungan po. Dont post my cell number po, i’ll just wait for your response sir

To Beauty,

Ang pagtakbo mo sa iyong panaginip ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Ito ay posibleng may kaugnayan din sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa.

Ang baril naman sa bungang-tulog ay simbolo ng aggression, anger, at ng potential danger. Maaaring may kaugnayan ito sa mga isyu o bagay ukol sa passiveness/aggressiveness at authority/dependence. Alternatively, ang baril ay maaari rin namang nagre-represent ng ari ng lalaki at ng male sexual drive. Kaya, ang baril sa panaginip ay maaring mangahulugan ng power o kaya naman, ng impotence, depende kung ang baril ay pumutok o nag-misfire. Kung may binaril naman sa panaginip na isang taong labis na kinaiinisan, ito ay may kaugnayan sa aggressive feelings at hidden anger tungkol sa taong nabanggit. Ito ay posible rin namang nagpapahayag na makakaranas ng ilang suliranin o komprontasyon sa iba. Maaaring makaramdam na ikaw ay nabibiktima o nabiktima sa ilang sitwasyon o pangyayari.

Ang gumugulong na apoy sa panaginip ay sagisag ng ilang self-destructive force. Depende sa konteksto ng iyong panaginip, maaaring may kaugnayan ang bungang-tulog mo sa destruction, passion, desire, illumination, purification, transformation, enlightenment, o anger. Ito ay maaaring nagsasaad din na mayroong something old na nagdadaan at may mga bagong bagay naman ang pumapasok o nagiging bahagi ng iyong buhay. Ang iyong thoughts at views ay nagbabago. Particularly, kung ang apoy ay under control o na-contain na sa isang lugar, ito ay maaaring metaphor mo mismo ukol sa iyong internal fire at inner transformation.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …