Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Acting ni Julia, nag-improve na sa And I Love You So

081815 julia barretto
NAPANOOD namin ang first week ng And I Love you So na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Miles Ocampo.

Bongga ang initial five day episode, talagang pasabog ang mga eksena.

Sobrang galing ni Angel Aquino bilang babaeng nagmahal ng sobra pero hindi natumbasan ang kanyang love. Nuanced na nuanced ang acting niya sa lahat ng eksena especially doon sa scene na tinaray-tarayan niya ang marketing manager ng hotel na pag-aari nila. Lutang na lutang ang kanyang kahusayan sa acting. Ang maganda pa sa kanya, believable siya bilang sosyal na nanay ni Julia.

Magaling din si Julia at ang laki na ng in-improve sa acting. Bilang solong anak ni Tonton Gutierrez, naitawid ni Julia ang hinihinging angas ng kanyang role. She’s bitchy here, mean na mean ang kanyang character.

Magaling din si Miles bilang anak ni Dimples Romana na lumaking simple lang.  She’s perfect for the role. Bigla naming naalala sa kanya si Kathryn Bernardo sa Mara Clara.

Swak na swak din si Dimples bilang isang simpleng babaeng nagparaya para sa kanyang kaibigan. Sa kanyang mga eksena ay lutang ang kanyang kasimplehan. Natural na natural ang acting.

Bilang isang sikat na  singer ay bagay si Inigo Pascual sa kanyang role. First soap ito ni Inigo at hindi naman niya binigo ang kanyang fans.

Glossy ang pagkakagawa sa And I Love You So at talagang pinagkagastusan ng Dreamscape Entertainment Televisionang latest nilang teleserye.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …