ISANG dahilan kung bakit umaangat ang Barako Bull sa Smart BRO PBA Philippine Cup ay ang mahusay na laro ni William Wilson.
Nanguna si Wilson sa 105-98 na panalo ng Energy kontra Talk n Text noong Huwebes kung saan nagtala siya ng career-high na 28 puntos at 20 rebounds.
Dahil dito, napili ang dating forward ng De La Salle University bilang Player of the Week ng PBA Press Corps.
Nag-aaverage si Wilson ng 16.3 points, 12.8 rebounds at 3.1 assists para sa Barako na may apat na panalo kontra sa apat na talo at susunod nilang makakaharap ang Blackwater sa Biyernes.
( James Ty III )