Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: May ibang ka-sex ang boyfriend

00 PanaginipDear Señor,

Ttnung ko lang po, nnaginip ako about sa byfriend ko my kasex siyang ibang babae, my pinhhwtg ba ito sa skin? Sana ay mabsa ko po agad, slmt, pls pls po, dnt post my #

To Anonymous,

Tatanong ko una sa iyo kung kayo ba ng BF mo ay aktibo na sa bagay na seksuwal? Magkalayo ba kayo ng tirahan at wala bang problema ang inyong relasyon? Maaari kasing hindi pa kayo nagse-sex ng BF mo at lagi ka niyang kunukulit ukol dito. Kaya lumalabas ito sa panaginip mo sa negatibo o hindi magandang anyo. Posible rin na may problema kayo o long distance relationship ang sa inyo at nami-miss ninyo ang isa’t isa, kaya ganito ng tema ng panaginip mo. O kaya, malayo nga siya sa iyo at nag-iisip ka ng kung ano-ano tulad ng pagtataksil o hindi niya pagiging tapat sa iyo dahil nga sa sitwasyong malayo kayo sa isa’t isa. Maaari rin naman na ikaw ang naghahanap ng sex, lalo na kung nasa ganitong stage na nga ang relasyon ninyo.

Maaari rin namang harmless na panaginip lang ito at bunga ng ibang factor na malayo naman sa katotohanan. May nagsilbing trigger lang kaya naging ganito ang tema ng iyong panaginip tulad ng napanood sa TV o sine, nabasang libro o istorya sa pocket books o komiks, narinig sa kuwentuhan, tuksuhan ng magkakaibigan, at mga katulad na sitwasyon na may kaugnayan sa sex o sa libido. Subalit kung mahalaga sa iyo ang inyong relasyon, mas mabuting pagtuunan ito ng pansin, ingatan ito dahil posibleng dumaan ito sa pagsubok na kung magiging mali ang paghawak ninyo sa sitwasyon ay baka inyo itong pagsisihan. Dapat din na maging bukas lagi ang komunikasyon upang maliwanagan ang mga bagay na bumabagabag sa inyong pagmamahalan. Posible rin naman na bunsod lang ito ng selos o misunderstanding. Kaya tandaan mo sana na isa sa mahalagang pundasyon ng isang matatag na relasyon ay tiwala, lagi itong isaalang-alang sa bawat desisyon na iyong gagawin at huwag magpadalos-dalos sa iyong pagpapasya.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link