Wednesday , January 8 2025

Feng Shui: Estratehiya para sa zen space

00 fengshuiANG Feng Shui ay hindi lamang tungkol sa pag-aalis ng mga kalat ngunit sa maraming bahay, ito ay nakatutulong din sa pagpapagaan ng kaisipan at pananatili sa focus sa iyong mga mithiin. Ngunit saan ka magsisimula? Sa pagtingin pa lamang sa mga kalat ay parang mahihirapan ka na maliban na lamang kung may nabuo kang action plan at haharapin ang espasyo nang isa-isa. Narito ang limang tips upang agad na makapagsimula.

*Magsimula sa kusina – Nakararanas ka ba ng pagbagsak ng mga bagay sa tuwing bubuksan mo ang cabinets? Panahon na para ayusin ito at iorganisa. I-tsek ang expiration dates ng lahat at itapon na ang mga luma. Kung mayroong malapit nang mag-expire, mag-Google ng ilang recipes at tingnan kung paano ito agad magagamit. Kung hindi na kailangan, itapon na at huwag nang bibili ng ganito sa susunod kung hindi naman magagamit.

*Mag-focus sa home office. Paano mo maitutuon ang iyong buong atensyon sa pagtatapos sa proyekto o sa pagbabayad ng bills kung sa iyong pag-upo ay halos matabunan ka na ng tambak na piles? Gamitin ang sistemang iyong ginawa sa kusina, itapon o i-shred ang junk mail, expired coupons, catalogs at lumang magazine.

*Magbuo ng maliit na library lamang. I-evaluate ang iyong mga aklat sa iyong home library katulad ng pag-evaluate ng ibang items sa iba pang bahagi ng bahay. Madalas mo ba itong gamitin? Nasisiyahan ka ba rito? May silbi pa ito? Ang mga aklat na ginagamit mo bilang reference, aklat na palagi mong binabasa, o titles na nagpapasaya sa iyo kapag nakikita mo ito, ang dapat na magkaroon ng lugar sa iyong shelf. I-donate na lamang ang ibang aklat sa local library, o organisasyon na nangangailangan nito.

*Photo finish. Ang mga larawan, katulad ng mga aklat, ay dumarami habang nagtatagal. Ang piles ng mga larawan ay dapat na ilagay sa albums, ang photo album na nasisira na ay nagdudulot ng emotional and physical clutter sa kapaligiran.

*Magbuo ng sanktuwaryo sa banyo – magsimula sa make-up drawer at medicine cabinet. Ang unang hakbang para sa more zen bathroom ay ang pag-aalis sa mga kalat, kabilang ang toiletries, make-up, perfumes at lotion na hindi na ginagamit. Mahalaga ring panatilihing malinis ang medicine cabinet, organisado at walang kalat.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *