Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: May asawa na sa panaginip

00 PanaginipDear Señor H

Bhira po aq managinip ng may asawa na daw aq na aq daw po ung bumubuhay sa pamilya ko at sa kanya. Mangyari po b tlaga un hihintayin ko po ang payo nyo Señor H. (09061205751)

To 09061205751,

Ang panaginip ukol sa pag-aasawa ay maaaring nagsasaad ng hinggil sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sasailalim sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong iyong naging asawa dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito. Hindi mo sinabi kung wala ka pang asawa talaga, pero sakaling wala ka pang asawa, posible rin naman na ang ganitong tema ng panaginip ay may kaugnayan sa iyong takot o agam-agam hinggil sa pag-aasawa. Hindi ka sigurado kung ano ang kahihinatnan ng iyong pakikipagrelasyon, kaya lumalabas o nagma-manifest ito sa iyong panaginip. Lalo na sa puntong ikaw ang bumubuhay sa asawa mo. Hindi mo inilagay ang pangalan mo, pero sa tingin ko ay babae ka, kaya mas mabigat nga sa iyo personally kung sa panaginip mo ay nakita mong ikaw ang bumubuhay sa asawa mo. Although, posible rin naman na may nag-trigger lang kaya ganito ang naging tema ng panaginip mo, tulad ng napanood mo sa TV o pelikula, nabasa o narinig na kuwentuhan, at iba pa. Kung ganito ang sitwasyon, mas mabuting huwag na itong pansinin dahil maaaring nagkataon lang ito. Iwaksi mo sa isipan ang hindi magagandang bagay dahil hindi ang panaginip ang magdidikta kung ano ang magiging kapalaran mo. Dagdagan ang tiwala sa sarili lalo na sa ating Panginoong Diyos.

Goodluck sa iyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …