PASOK na si Paulo Avelino bilang Simon, ang boss ni Nadine Lustre sa On The Wings of Love. Siyempre pa, siya ang magiging third wheel sa tambalang James Reid and Nadine.
Hindi masabi ni Paulo kung girlfriend material si Nadine as hindi pa naman sila masyadong close.
“She’s nice but it’s too early to tell dahil hindi ko pa naman nakikilala masyado si Nadine. Pero based kung paano nakagawa ang ilang eksena na kasama ko siya, exciting. She’s nice,” say ni Paulo.
Pero he dropped hints na na kay Nadine ang hinahanap niya sa isang babaeng crush niya.
“Her beauty, very Pinay. Actually, I’m very attracted to Pinay beauties. Marami naman akong ina-admire na babae.”
Napanood namin ang teaser sa pagpasok ni Paulo as Simon sa On the Wings of Love at mayroon talagang kilig factor sa binata. He was perfect for his role lalo na ‘yung first time na nag-meet ang characters nila ni Nadine. Medyo snooty si Paulo bilang executive ng company ni Nadine. Perfect siya for the role.
UNCUT – Alex Brosas