VERY physical ang role ni Epy Quizon bilang isa sa rapists ni Andi Eigenmann sa Angela Markado.
“Kunwari binato n’yo siya (Andi) ng paganyan, sinasalo n’yo siya ng paganoon. Mahirap lalo na kapag nakaluhod. Wala kang pads, nakababali po ng tuhod kasi ‘yung weight nang itinatapon mo, na-dead weight mo ‘yun, eh. Kasi minsan dead weight ang itinatapon mo o inaalalayan mong sumayaw o inihahagis-hagis mo o kinakarga-karga mo. Siyempre ayaw mo namang masaktan si Andi. Ang satisfaction doon, she barely made it. She got little bruises here and there but never big injury. So ‘yun ang pinaka-satisfaction doon, never nasaktan si Andi,” chika ni Epy.
Mayroon na palang dalawang anak si Epy, isang 21 year old guy taking up Multimedia Arts sa College of St. Benilde at isang babaeng 10 years old.
UNCUT – Alex Brosas