Wednesday , December 25 2024

Kapamilya Krismas3, dinagsa ng 20,000 katao

112415 kapamilya krismas3
NAKALOLOKA ang crowd sa para sa Kapamilya Krismas3 event ng Dreamscape Entertainment Television headed by Deo Endrinal sa Mindanao Open Parking sa Trinoma noong Sunday.

In full force kasi silang umapir para panoorin ang kanilang idols na bida sa On The Wings of Love, Doble Kara, at Ang Probinsyano. Umabot nga sa 20,000 ang crowd na nanood. Pati nga ang nasa multi-level parking area ng Trinoma ay nakipanood din.

112415 kapamilya krismas3 2Hit na hit ang performances  nina Morisette, Klarisse de Guzman, Gloc-9, Ebe Dancel, KZ Tandingan, Erik Santos, Daryl Ong among others.

Nabingi ang mga tao sa sigawan lalo na nang lumabas ang cast ng Doble Kara, Ang Probinsyano, at On The Wings of Love. Grabe ang tilian sa mga bidang sina Nadine Lustre, James Reid, Coco Martin, Julia Montes, Maja Salvador. Maging sina PBB 737 Teen housemates Ylona Garcia and Bailey May (BaiLona) na papasok na sa OTWOL ay talagang tinilian din.

It is to the credit of Endrinal na lahat ng teleserye produced by Dreamscape Entertainment ay panalo sa ratings.

ni Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *