Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd, nahirapan sa pagbuhay kay Popoy

102115 john lloyd bea alonzo
AMINADO si John Lloyd na talagang tumatak ang role niya bilang Popoy sa One More Chance.

“Parang sumabay siya sa isang napaka-influential na generation kaya siguro natagalan bago nasundan. Imagine, after eight years ay parang fresh pa siya sa memory ng karamihan. ‘Yun lang. Nagkataon lang siguro na ito ang pelikula na sumasalamin sa generation noon,” sabi ni John Lloyd na bubuhayin muli ang kanyang Popoy character sa A Second Chance kasama si Bea Alonzo bilang Basha.

Para kay John Lloyd, ang challenge this time ay kung paano ipakikita ang gap of eight years. Walong taon kasi nang gawin nila ang One More Chance at sa bagong movie, kailangang ipakita kung ano na ang nangyari sa characters nila.

“You try to find the heart of Popoy. Nasaan ‘yung heart niya? Ano ang lagay niya? Ano ang lagay ng character? That was the challenge, the real challenge. Definitely, nag-evolve talaga ang character ni Popoy. Eight years is a long time, imposibleng hindi siya magbago. But the core remains the same. Ang maganda kasi, ang interesting is kung ano ang naging kuwento mo in between. Paano niya naabot ‘yung after eight years. Ano ba ang ipinagbago?” paliwanag ng binata.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …