Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di kayo nakatutulong sa sitwasyon — buwelta ni Jessy sa bashers

110515 jessy mendiola
AYAW tigilan ng bashers itong si Jessy Mendiola kaya naman sinagot na niya ang mga ito kaugnay ng kinahinatnan nila ni JM de Guzman.

Si Jessy kasi ang sinisisi kung bakit tila nawawala na naman sa sarili itong si JM.

“@senorita_jessy pansin ko kapag may magandang palabas si @senorita_jessy hinihiwalayan nya si JM. Pero pag wala binabalikan nya. Kawawa naman si JM palagi.”

“Porket lilipad kna sa ere iniwan mona c jm pro nung tengga ka at wlang project narinig mo lng na mgkakaproject si @1migueldeguzman bnalikan mo smantla nung naguest kayo sa pbb tnanong ka ni vice sabi mo hnd mona xa iiwan ulit anyare teh mgiging darna lng nkalimot na kaloka tong babaeng toh.”

“Hindi namen alam nangyari sa inyo ni JM. Pero he needs someone who can support him, lalo na sa pinagdadaanan niya ngayon. Sana kung hindi mo kayang suportahan siya ngayon, wag mo na siyang babalikan pag okay nanaman siya!!! Hindi mo nga hawak buhay niya pero isa ka sa dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Next time please, layo layo din kung hindi mo kaya pangatawanan desisyon mo. Hindi makakatulong sa isang taong may problema sa sarili ang isang tulad mo ring makasarili.”

110715 jm jessy

‘Yan ang sunod-sunod na tira kay Jessy na hindi naman niya pinalampas.

“Hindi mo pala alam nangyari samin eh. So wala kang karapatan husgahan ako. Wag mong husgahan si JM. Hindi mo siya kilala at mas lalo nang hindi mo alam kung bakit ganito desisyon namin.

“Ikaw ang makasarili kasi hindi ka sensitive enough na wag nalang magsalita kasi alam mong may mga masasaktan. @doreendoreen_ ang hindi ko maintindihan sa mga taong to, masyado kayong nanghuhula sa mga nangyari at sa mga desisyon namin. Tao din ako at may puso ako, nagmahal lang ako at nasaktan din. Wag kayong masyadong mapanghusga, hindi kayo Diyos. Hindi niyo alam LAHAT.

“Sana matauahan na kayong lahat at magising sa mga sarili niyo. Kung kayo ang masa posisyon namin, sigurado akong sobrang sakit din nito sa mga puso niya. At ang pinakamalala pa sainyong mga nanghuhusga, hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon. Pagdadasal ko nalang kayong lahat. Isa ka na don Doreen.”

‘Yan ang sagot Jessy sa basher niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …