FINALLY ay mayroon ng self-titled album si Daryl Ong, isa sa finalists sa second season ng The Voice.
“Nag-start po talaga ako kumanta around six years old. My mom used to sing in a choir sa church. Taga-Palawan po ako. ‘Shout for Joy’ ang unang kinanta ko. Later nabigyan ako ng chance na magbanda. Then nag-audition ako sa ‘The Voice’,”chika ni Daryl.
Maganda ang timbre ng boses ng binata. He has a distinct voice, walang katulad. Nagustuhan namin ang cover versions niya sa Youtube noon at lalo pa namin siyang nagustuhan sa The Voice.
That lunch, pinatunayan ni Daryl na magaling siyang singer. Bihira ang singers na nakakakanta during lunch pero ibang klase si Daryl.
Ang napansin lang namin, may hugot sa bawat kanta ng binatang singer. May pinagdaanan pala siya noon kaya ganoon na lang siya ka-emotional sa pagkanta sa ilang cuts sa kanyang album tulad ng Dapat Pa Ba? Hopeless Romantic,Mabuti Pa, at Ikaw Na Nga.
Sa local ay si Gary Valenciano ang idol ni Daryl and sa foreign singers naman ay type niya sina James Ingram, Stevie Wonder, Brian McKnight, Boys II Men, atPeabo Bryson.
Executive producers for Daryl’s self-titled album are Malou N. Santos, Roxy Liquigan, Vehnee Saturno and Kate Valenzuela. Over-all album producers are Vehnee and Kate with Jonathan Manalo as audio content head. It’s now available on record stores.
UNCUT – Alex Brosas