Inusisa namin si Ms. Kate hinggil sa ilang detalye ng pelikulang ito. “Ukol ito sa isang mapagmahal na ina na may da-lawang anak at asawa na isang police. It’s a true to life story po sa Negros. Legend po ito sa Western Visayas at Mindanao, kaya maraming nakaaalam sa kuwento niya.
“Nag-OFW si Maria sa Saudi para mabigyan ng mabuting kinabukasan ang mga anak. May nakaibigan siya na OFW din doon na siyang naging sanhi sa pagsalin ng pagka-aswang niya. Pag-uwi ni Maria sa Pinas, iba na minsan ang ugali niya. Sinasaktan niya na mga anak at minsan pinagsisigawan niya sila. Minsan ‘di na niya masikmurang kumain ng pagkain na kinakain ng tao, hanggang dumating sa puntong kumain siya ng buhay na hayop. ‘Yon ang umpisa at nang naglalaway na naman at gutom na gutom, naguluhan si Maria at doon na niya kinatay ang mga anak at ipinakain pa sa kanyang asawang pulis,” saad niya.
Ang Maria Labo ay mula sa direksiyon ni Roi Vinzon at showing na ito sa November 11. Bukod kay Kate, tampok din dito sina Jestoni Alarcon, Miggs Cuaderno, Nesreen Frial, Mon Confiado, Baron Geisler, Sam Pinto, Dennis Padilla, Rey Abellana, Rez Cortez, Ate Gay, at iba pa.
Paliwanag ni Kate, “Sa labis na galit ay tinaga si Maria ng asawa niya played by Jestoni Alarcon. Iyong labo kasi ay Ilonggo word na ang ibig sabihin ay tinaga.
“Kaya legend itong Maria Labo dahil drama ito sa isang radio network ng RMN, kaya maraming mga lugar ang nakaaalam sa kuwento niya. Sobrang nakakatakot ang movie na ito, pero may drama rin.”
Nang usisian naman namin si Ms. Kate kung bakit tila iniintriga sila ni Mon Confiado, eto ang sagot niya sa amin. “Ha-ha-ha! Si Mon napaka-sweet na friend.”
Nang usisain naman namin si Mon, umiwassiyang mag-comment sa isyu.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio