Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lani, 1st artist na nag-perform sa Las Casas Filipinas de Acuzar

110315 lani misalucha
THERE was a time na gusto nang mag-lie low ni Lani Misalucha sa kanyang singing career. Pero nahimasmasan siya when she had a conversation with her husband Noli.

“Sabi nga ng asawa ko, ‘eh, ito ‘yung ibinigay sa ‘yo, ito ‘yung talentong ibinigay sa ‘yo ng Diyos. Siguro hindi pa dapat sa ‘yo (na mag-retire). Siguro ‘yun na nga lang talaga ang gagawin natin, na hangga’t kaya, eh, ‘di kakayanin. Pero ayoko naman dumating sa panahon na (uugod-ugod na ako ay kumakanta pa rin ako),”chika sa amin ni Lani after her Harana concert at the Manila Hall, Hotel de Oriente Convention Center at  Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan in cooperation with Full House Asia Production Studios Inc. last October 31.

Bongga si Lani, talagang ipinakita niyang siya ang pinaka-well rounded performer. Lahat na yata ng genre ay kinanta niya mula sa standards, OPM, Broadway, classical, kundiman, pop.

Si Lani ang first artist na nag-perform sa nasabing venue na talagang nakamamangha ang design. Mula hagdananan ay mayroong nakaukit, sa ceiling, sa gilid, lahat ay may art. It’s a combination of Baroque and Art Deco kaya naman manghang-mangha ang audience.

Isang heritage resort ang Las Casas Filipinas de Acuzar na pagmamay-ari ng arkitektong si Jose Rizalino “Jerry” Acuzar. Bongga ang lugar, classic at century-old houses ang makikita mo. Mayroon pang version ng Escolta noong araw.

Naranasan nga naming maging alipin sa gigilid nang pasukin namin ang isang antique house. Nakita namin ang loob ng bahay na puro antigo ang laman mula sa furniture at mga kasangkapan. Napasok din namin ang dating bahay ng mother niJose Rizal.

Kompara sa seven star or five star hotels, mas magandang hindi hamak ang  heritage resort na ito dahil mae-experience mo kung paano namuhay ang mga ninuno natin noong nakaraang centuries. Kamangha-mangha ang collection ni Ginoong Acuzar na isang henyo para sa amin.

 

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …