Huwag maniwala sa black propaganda kay DepComm. Nepomoceno
jsy publishing
November 3, 2015
Opinion
ISANG nagngangalang JOEY ang siyang itinuturo na promotor ng panininira sa magandang pangalan ni Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno.
Kung ano-ano kasi ang disinformation campaign na sinasabi laban sa kanya, nakakalungkot lang talaga dahil napakabait ni Depcom Nepomuceno para siraan nitong si alyas Joey na may ugaling manira noon pang nasa kapangyarihan pa siya.
Dahil walang naniniwala sa kanya kaya mukhang desperado na dahil may intel report na siya’y kasabwat sa rice at sugar smuggling. What a shame!
Huwag po kayong paloko sa taong ‘yanna mapanlinlang.
***
Minamanmanan na ng NBI Anti-Graft division at Anti-Fraud ang mga tirador sa customs lalo na ang mga contractual employee na nagpayaman sa kanilang trabaho.
Dinaig pa raw ang mga Customs organic employee. Unahin sana ng NBI ang isang taga-Customs informal entry division na palaging nakikita sa loob ng casino.
***
Si BOC-EG Executive Asst. Gervy Maglunob ay marami palang natutulungan na mahihirap, gifted pala siya at may puso.
Hindi katulad ng ibang langaw sa customs na napasama sa kalabaw ay kalabaw na rin.
Si Gervy ay may puso at marunong maki-pagkapwa-tao at the same time. Siya ay tinaguriang man with a golden heart.
Si Gervy ay isang opisyal na matuwid sa pamunuan ng Customs at kapag nakahuli sila ng illegal na kargamento ay grabe ang ginagawang paninira sa kanila.
Pero mas marami pa rin ang naniniwala sa kanila dahil tapat sila sa kanilang tungkulin sa customs.
***
Dapat pagtuunan ng pansin ngayon ang isang Chie Men Wong, na binansagang hari ng auction sa customs.
Si Chie Mien Wong daw ang kumukontrol sa auction, kasama sina Mando, Nely Villarubio, Pa-cita Yu, Nenita Biag at Butch Do.
Grabe na nga raw ang lutuan d’yan sa auction ng grupo sa pamumuno ni Chie Men Wong.
Dapat bantayan ang smuggling activities nitong si alias YORME DENNIS. Kailan kaya ito mabubusisi ng AMLC at BIR?
***
Si Atty. Tristan Langkay ay dapat mabigyan ng magandang break sa customs dahil walang kayabang-yabang, matalino at tapat sa serbisyo. Kahit na bata pa ay marami na siyang accomplishment.
Ang katulad niya ang karapatdapat maging hepe ng BOC legal division.
***
Sino si Mr. 100k na abogado sa customs?
Nagyayabang pa na director na raw siya at hindi na puwede ang 5k.
Paging: Comm. Bert Lina!
***
Ibang-iba pa rin ang mga security ni Comm. Bert Lina dahil walang maangas sa kanila at marunong magrespeto sa publiko. Sa pangunguna ni Security Chief na si Constantino at mga driver at bodyguard. ‘Yan ang mga gusto ko, walang hangin at totoong tao sila. Mabuhay kayo and keep up the good work!