Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Pugot na ulo & patay sa dream

00 PanaginipGud am Señor,

Nagdrim po aq pugot na ulo tas minsan my sumuslpot na patay s drim q pro minsan pablik2 naman drim q, yun na po, paki interpret naman po, dnt post my cp # tnkz, kol me Bhaby..

To Bhaby,

Ang ukol sa pugot na ulo ay maaaring may kaugnayan sa poor judgment or bad decision na ginawa at pinagsisisihan na ngayon. Bunsod ito marahil sa pagtangging makita ang katotohanan at hindi malinaw na pagtimbang sa mga sitwasyong kinakaharap. Nagpapakita rin ito ng tendency na magdesisyon muna bago mag-isip ng mabuti. Kailangang matutong harapin ang katotohanan kahit na ito ay masakit at magdudulot ng discomfort.

Ang pabalik-balik na panaginip ay kadalasang nangyayari na mayroong kaunting pagkakaiba lang sa tema ng panaginip mo. Ang ganitong panaginip ay maaaring positibo ang hatid sa nananaginip, subalit kadalasang nightmarish o hindi maganda ang nilalaman nito. Posibleng ang rason nito ay dahil ang conflict na nasa iyong panaginip ay hindi pa nareresolba o hindi mo binibigyan ng pansin. Ngunit sa oras na nakahanap ka na ng solusyon sa bagay na ito, kusang matitigil ang ganitong klase ng panaginip mo.

Ang ukol naman sa pagsulpot ng mga patay sa panaginip mo, ito ay maaaring babala sa mga negatibong impluwensiya na nakukuha mo bunsod ng pagiging malapit mo sa mga maling grupo o tao. Ito ay maaaring maging sanhi ng material loss, kaya dapat kang maging maingat at huwag maging padalos-dalos sa mga desisyon.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …