Line up ng oposisyon sa Pasay bagyo sa lakas! (Roxas-Pesebre ang sigaw ng mga Pasayeños!)
Rex Cayanong
October 17, 2015
Opinion
BUO na ang powerhouse line up ng United Opposition sa Pasay na kinakatawan ng mga bigating pangalan sa politika ng siyudad at incumbent officials sa pangunguna nina former Congressman Dr. Lito Roxas, former Congresswoman Connie Dy at former Mayor Peewee Trinidad.
Pinangungunahan ni UNA Pasay City Chairman Dr. Roxas ang ticket ng opposition bilang kandidato sa pagka-alkalde, bise alkalde naman ang incumbent & unbeaten Vice Mayor Marlon Pesebre.
Sa district 1, nasa line up of course ang better-half ni Dr. Roxas na si Councilor Jenny Roxas; Ariel Pesebre, utol ni Vice Mayor Pesebre; Tino Santos, esposo ni outgoing Councilor Grace Santos; Pat Ibay, maybahay ni outgoing Councilor Lex Ibay; Nelfa Trinidad, maybahay naman ni former Mayor Peewee Trinidad; and last but not the least, comebacking Councilor Bing Petallo.
Sa district 2, binabanderahan nina Councilors Allan Panaligan at Bong Tolentino ang strong ticket ng oposisyon kasama sina comebacking Councilors Yllana Ibay at Onie Bayona, ang De La Salle Public Administration graduate na si Julian Roxas, anak ni Dr. Roxas at Jun-jun Mitra.
Sa lone Congressional seat ng Pasay, inaasahang hahamunin ni outgoing Councilor Grace Santos ang pakendeng-kendeng at pagewang-gewang na incumbency si Congresswoman Emi-Calixto-Rubiano.
As of this writing, naka-schedule na magsumite ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang Roxas-Pesebre Team ng United Opposition nitong Thursday, October 15.
Bago ito, isang misa ang nakatakdang ganapin sa Sta. Clara Church, 8:00 ng umga, saka sabay-sabay na magtutungo sa Pasay City Comelec Office ang buong tropa.
Inaasahan ding sasama sa pagpa-file ng COCs ng United Opposition ang libo-libong supporters at sympathisers.
Ang Team Roxas-Pesebre ang sinasabing nangunguna ngayon sa surveys after overtaking the slim lead of Calixto-Boyet Del Rosario tandem, registered a few months back.
Inaasahang lalarga pa ang kalamangan nina Roxas at Pesebre laban sa Team Calixto matapos ang filings ng COCs.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00-3:00 pm. Mag-email sa [email protected]