Kung hinangaan si Jen sa English Only Please, tiyak na hahagalpak at muling mamahalin ang aktres sa pelikulang ito na obra ni direk Jun Lana.
Tila gamay na gamay na ni Jen ang pagpapatawa at talagang bagay sa kanya ang gumawa ng mga ganitong klase ng pelikula. Umakma rin ang pagsasama nila ni Sam na in fairness ay may chemistry at bagay. Kaya naman hindi nakapagtataka kung i-push ng ilang kasamahang manunulat ang dalawa dahil bagay naman talaga sila.
Maganda rin ang suportahang nakuha nina Jen at Sam sa mga kasama nila tulad ni Jaclyn Jose at ni Melai Cantiveros gayundin sina Gardo Versoza at Dominic Ochoa.
Samantala, ibang putahe naman ang The PreNup para kay direk Jun na nakilala sa paggawa ng mga pelikulang Bwakaw at Barber’s Talegayundin ang Anino Sa Likod ng Buwan. Bagamat ang PreNup ay hindi unang kilig movie na ginawa ni direk Jun, naging matagumpay naman siya sa paglalahad ng temang ito.
“Napi-feel kong there’s magic between them at in-explore ko ‘yung magic at charisma nilang ‘yon kaya lumabas na ang ganda at sobrang kilig ng bawat eksena,” ani direk Jun.
Kapwa honoured naman sina Sam at Jen na maidirehe sila ni direk Jun na kung ilarawan nila’y ang director na hindi marunong magalit sa set.”Madalas kaming nagtatawanan sa set. Kaya naman I don’t mind doing those romantic scenes kahit ilang beses niyang ipagawa sa amin ‘yon ni Jen especially those kissing scenes!” saad naman ni Sam.
Ang PreNup ay isa raw sa favourite film ni Roselle Monteverde na pinamahalaan niya. Isa itong pet project niya na personal niyang tinutukan ang bawat detalye mula sa story, cast at iba pang aspeto ng produksiyon mula simula hangang sa pagtatapos pati na ang publicity at promotions nito.
Palabas na sa kasalukuyan ang PreNup sa mga sinehan kaya watch na kayo.
Boy Syjuco, ‘di takot kina Roxas, Binay at Poe
“HULOG ka ng langit,” ang masayang nasabi ni Tito Boy Syjuco kay Jobert Sucaldito nang makasama namin ito sa kanyang announcement ukol sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan 2016.
Si Tito Boy ay dating Director General ng TESDA kaya naman hindi maiaalis sa kanya ang tumulong lalo na sa mga maliliit na mamamayan. Katunayan, pawang mga tribiker ang kasama niya nang magsumite ito ng kanyang CoC (certificate of candidacy) kamakailan. Ito raw kasi ang mga ito ang una niyang nais tulungan.
Wala mang artistang nakaagapay sa kanya ngayon para suportahan siya sa kanyang kandidatura, open naman si Tito Boy sa sinuman ang gustong tumulong sa kanya. Actually, sakaling iendoso siya ni Mother Ricky Reyes na nakasama niya sa pagtulong noon kaakibat ang TESDA, hindi raw niya ito tatanggihan. Pero sa ngayon, naniniwala siyang may kakayahan siyang makatulong sa ating bansa.
Maganda ang buhay ni Tito Boy at maganda rin sana kung ipalalabas ito saMaalaala Mo Kaya o Magpakailanman dahil tiyak na kapupulutan ito ng aral. Subalit wala pa siyang napipisil kung sino ang puwedeng gumanap ng kanyang talambuhay.
Aware si Tito Boy na tiyak na may mga magtataas ng kilay sa pagtakbo niya bilang presidente pero naniniwala siyang kaya niyang makapaglingkod at napatunayan na niya ito nang pamunuan niya ang TESDA na marami ang kanyang natulungan. Mahaba ang credentials ni Tito Boy at isa lamang ang nais niya, ang makatulong at makapaglingkod sa kapwa-Filipino.
Bagamat tatlong higanteng presidentiables ang makakalaban niya gaya nina Senator Grace Poe, Vice President Jejomar Binay, at Sec. Mar Roxas, hindi siya nakikiming harapin ang mga ito dahil malinis daw ang hangarin niya para sa bansang Pilipinas.
Aniya nga, ”Maki-baka, ‘Wag maki-baboy kadiri’.
Mr. Tulfo, napaliligiran daw ng magaganda at sexy kaya bumabata
MATAPANG at walang preno ang bibig. Ito ang pagkakakilala ng marami sa TV anchor at broadcaster na si Raffy Tulfo. Pero very accommodating pala ito at masarap kausap sa totoo lang.
Nakahuntahan namin ang magaling na broadcaster sa 10th anniversary ng ATC Healthcare, tagagawa ng Robust Extreme na isa si Mr. Tulfo sa endorser nito kasama ang Mocha Girls at si Jackie Rice. Kapansin-pansin na tila bumata ng ilang taon si Mr. Tulfo kaya naman natanong namin ito kung nagpa-stem cell ba siya tulad ng nauuso ngayon.
“Dahil sa Robust kaya ganito hitsura ko,” natatawang giit nito sa amin. Endorser si Mr. Tulfo ng Robust Extreme, 440mg na naglalaman ng natural ingredients (Spiral Algae, Corn Extract, Medlar Extract, Ginseng Extract, Epimedium Extract, Cistanche Salsa Extract and Hawthorn Berry Extract) na nagpapatinag sa mga lalaking may problema sa pagkalalaki.
Ayon nga sa presidente ng ATC Healthcare na si Albert T. Chan, ang Robust Extreme ang pinakamalakas nilang produkto sa loob ng 10 taon na mabibili sa lahat ng grocery at drug stores patunay na epektibong endorser sina Tulfo, Mocha Girls, at Rice.
Ayon pa kay Mr. Tulfo, napapalibutan siya ng mga naggagandahan at nagseseksihang babae kaya bumabata rin ang hitsura niya. ”Eh, kasi napapalibutan ako ng mga sexy, kasi kapag naka-Robust ka, you feel sexy at saka parati akong masaya,” anito.
Natanong din namin si Mr. Tulfo kung sino ang iboboto niya sa pagka-pangulo at kung may ineendoso ba siya. ”Bawal, eh, kaya wala akong ini-endoso. Bawal kaming pag-usapan ang isang tumatakbong presidente, bawal kaming makita at bawal makihalubilo sa isang kandidato,” paliwanag nito.
At ang mga gusto niyang maging pangulo ng Pilipinas, ”well, kung ako, wala akong ini-endoso, pero gusto ko ‘yung pumatay ng mga adik, holdaper, akyat-bahay, rapist. Wala akong ini-endoso roon, ha,” nangingiting sabi pa nito.
Sa kabilang banda, inamin ni Mr. Tulfo na kahit masaya at tigasin siya ay stress siya lagi. ”I’ll be lying to you kapag sinabi kong hindi ako nai-stress. Nut I know how to manage stress now, nasanay na ako thru the years.”
At hanggang ngayo’y madalas pa ring nakatatanggap ng threat si Mr. Tulfo sa pamamagitan ng text messages. ”Marami kasi ‘yung bashers ko sa text, minumura ako na hindi makain ng aso, kung ano-anong pinagsasabi against me na sanay na ako at hindi ko na lang pinapansin at hindi ko binabasa.
”Kaya nga wala wala akong facebook, twitter pero mayroon akong action line, roon nagpapadala ng malalaswa,” kuwento pa nito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio