Nakausap namin si Direk Pedring bago mapanood ang trailer at naikuwento nitong blessing ang pagkakuha nila kay Cesar. Bale second choice lang dito si Cesar na ang unang dapat gagawa ay si Robin Padilla. Pero dahil sa pagbubuntis noon ng asawa niyang si Mariel Rodriguez, nag-back-out ang actor.
“Wala namang nabago sa script ng movie. Noong hindi pumwede si Robin I wanted to find somebody that can play na parang Robin talaga. And obvious choice namin si Cesar ‘coz I also know Cesar. And parang blessing si Cesar kasi noong ginawa na niya ‘yun, ‘Wow!sobrang galing ni Cesar. Lahat kami ‘yung mga crew talagang humanga sa galing ni Cesar,” ani Direk Pedring na umaming medyo na-dissapoint nang hindi natuloy si Robin. “Pero naiintindihan ko ‘yung nangyari. Okey naman kami ni Robin, nagte-teksan naman kami. And I hope next year makatrabaho ko siya dahil gusto ko talaga siyang makatrabaho.”
Matagal na palang hawak-hawak ni Direk Pedring ang script ng Nilalang. At may mga binago lamang silang kaunti para mag-fit sa kasalukuyang panahon.
Sinabi pa ni Direk Pedring na wala talaga siyang maisip na ibang actor bukod kina Robin at Cesar na puwedeng gumanap sa horro/suspense/action movie.
Ipinaliwanag pa ni Direk Pedring kung bakit si Ozawa pa ang kinuha nilang isa rin sa bida bagamat marami namang magagaling na Pinay actress. ”It’s a Yakuza family story. It revolves around a Yakuza family kaya tamang-tama talaga ito for Maria Ozawa. Bukod sa fan niya talaga ako. Nang magpunta siya rito sa ‘Pinas at narinig kong gusto niyang makagawa ng pelikula, kaagad kaming nakipag-coordinate.
“Actually, originally para sa lalaki ‘yung role ni Maria, pero ini-rewrite namin para mag-fit yung role kay Maria,” sambit pa ni Direk Pedring na mas kilala sa advertising industry bilang commercial director. Pero nakagawa na rin siya ng pelikula, ang indie horror film na Binhi (The Seed) na umani ng papuri dahil sa pagkakalahad nito at magandang cinematography.
Bale childhood sweetheart sina Cesar at Maria sa pelikula kaya marami raw magagandang lovescene ang dalawa. ”Grabe talaga ang mga lovescene nila rito. May scene nga rito na natulala si Cesar at hindi niya alam ‘yung linyang sasabihin niya. Siguro naka-take 3 or 4 kami hahaha,” kuwento pa ni Direk Pedring. Pero, tiniyak naman niyang aayusin nilang mabuti ang pelikula para maaprubhan ng MTRCB ng PG-13.
Sinabi pa ni Direk Pedring, naiibang action scenes ang makikita at ipinagawa nila kay Cesar. ”When Cesar read the script he’s really excited sa mga action sequences dahil sobrang ibang action movie ang ginawa niya at napapanood niya. Kaya kahit siya, excited talagang gawin itong ‘Nilalang’.”
Hindi naman nag-aalala si Direk Pedring na isiping sexy movie ang Nilalangdahil, ”Oo nga na si Maria eh, adult star sa Japan and she’s doing a lot of sexy movies pero she’s so down to earth. Hindi niya ikinahihiya ‘yung kung saan siya nanggaling. Ang fans niya sa ‘Pinas iba-iba may A-B-C kaya feeling ko hindi naman. And the agency is planning to do 12 trailers. ‘Yung pinaka-main trailer eh 3 mins. na ilalabas sa mga sinehan which is PG-13.”
Ibinalita pa ni Direk Pedring na bukod sa pam-filmfest ang Nilalang, dadalhin din nila ito sa Japan, Los Angeles, North America at iba pang lugar. Sa ngayo’y nasa post production na sila at tapos na nila ang 21 days na shooting. “Sobrang kahanga-hanga ang work ethics ni Maria kasi she’s always on time at sobrang professional talaga. Iba talaga ang mga Hapon pagdating sa trabaho,” kuwento pa ni Direk Pedring.
Kasama rin sa pelikulang Nilalang sina Meg Imperial, Yam Concepcion, Pocholo Barretto, Kiko Matos, Dido Dela Paz at ang Viva Films ang magri-release nito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio