Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ASOP Music Festival 2015, Finals Night na sa October 13!

101215 ASOP Richard Reynoso Toni Rose Gayda

00 Alam mo na NonieNASA ika-apat na taon na ang ASOP o A Song of Praise Music Festival ng UNTV. Gaganapin ang Grand Finals nito sa October 13, 2015 sa Smart Araneta Coliseum sa ganap na ika-anim ng gabi.

Ang ASOP ang tanging lingguhang kompetisyon sa telebisyon para sa mga orihinal na komposisyon para magbigay papuri sa Diyos sa pamamagitan ng musika. Ang mga host nito na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda ang magiging anchor din sa grand finals sa Big Dome.

Nagpasalamat si Kuya Daniel Razon sa pagiging instrumento nila sa pagbibigay papuri sa Diyo sa pamamagitan ng musika. “Nagpapasalamat tayo sa Panginoon, una sa lahat at nagpapatuloy itong ating A Song of Praise Music Festival. We are looking forward na mas marami pa ang maging kasali at magsikap na maging bahagi ng industriya ng musikang Filipino.

“Ang paniwala natin kasi, kung hindi tayo tutulungan ng Panginoon ay wala tayong magagawa, e. So, kaya lagi ay ibinibigay natin yung glory sa nasa Itaas. Dahil kung nagiging maliit na instrument tayo para ‘ika nga ay makagawa ng mga bagay na makakapagpasaya sa Kanya, nagpapasalamat tayo sa opportunity na iyon and we’re always praying na sana ay maging maliit na instrumento tayo in any manner that we can.

“We are thankful na on it’s fourth year ay nandiyan pa rin iyong nakikita nating pagiging successful nito. Of course, we owe it to Him,” saad ni Kuya Daniel.

Kabilang sa finalists ang Dinggin mo, Oh Dios na komposisyon ni Cris Bautista (Reymond Sajor-interpreter), Alabok- Jesmer Marquez (Jeffrey Hidalgo), Sabik sa’Yo- Joseph Bolinas (Ney Dimaculangan),Walang Hanggan-Benedict Sy (Maki Ricafort), Jesus, I love You-Timothy Joseph Cardona (RJ Buena),Mahal Mo Ako- Maria Loida Estrada (Sabrina), Kung Pag-ibig Mo’y Ulan- Christian Malinias (Leah Patricio), Dakila Ka Ama- Ella Mae Septimo (Ruth Regine Reyno), Ikaw na lang Mag-drive ng Buhay Ko-Rolan Delfin (Betong Sumaya), Pahintulutan Mo- Leonardo de Jesus III (Philippe Go), Salamat po, Ama- Dennis Roxas (Jojo Alejar), Pakamamahalin Din Kita- Dennis Avenido (Nino Alejandro)

Ang mga premyon ay P100 libo sa 3rd runner–up, P150 libo para sa 2nd runner-up, P250 libo para sa 1st runner-up, at para naman sa Song of the Year ay kalahating milyong piso. Mag-uuwi ang kompositor na may pinakamaraming online votes na “People’s Choice Award” at 50 libong piso.

Ang mga piling hurado ay sina Ryan Cayabyab, Celeste Legaspi, Jungee Marcelo, Mon del Rosario, Jett Pangan, at Lachi Baviera.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …