Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Medina, ayaw ng monkey business

101215 Alex medina

00 Alam mo na NonieMAY tiwala sa kakayahan si Alex Medina bilang aktor, kaya naman nang may bading na nag-offer sa kanya indecent proposal ay tinanggihan niya ito.

“Sa Facebook, sabi niya, ‘Uy, how much is your rate?’ Sabi ko, ‘Ah depende po sir’ ganyan-ganyan… ‘Tapos tinanong ko kung para saan ba iyon? Sabi niya, ‘Ah basta, magkano ba rate mo?’ Biglang sabi niya, ‘Overnight rate sana.’ Sabi ko, ‘Ay sorry hindi po ako…

“Sabi ko na lang, ‘Sorry po sir, sorry, akala ako ay business po tayo, e.’ So okay lang yun, pinalusot ko na lang,” nakangiting wika niya.

Paano kung may isang excutive ng TV network ang manligaw sa kanya at mangako ng maraming projects, game ba siya? “Ay hindi, hindi na. Idadaan ko na lang sa… kumabaga kung magaling ka naman, kung sineseryoso mo naman yung trabaho mo, hindi mo na kailangang pumatol sa kumbaga… mga monkey business. Kumabaga trabaho na lang, trabaho lang talaga.”

Anong masasabi mo sa mga actor na nagbibida sa pelikula o teleserye dahil hawak ng influential na gay? “Ha?! Mayroon bang ganoon?!” Pa-over-acting na reaction pa ni Alex, sabay banat ng tawa.

Anong comment mo rito? “Sa akin lang, kung may ganoon man, kung totoo man yun, parang hindi ka na masu-surprise,” seryosong buwelta niya. “Kasi sa mundong ‘to, parang kailangan mong gawin lahat e, kung ganoon mo kagusto yung isang bagay, gagawin mo lahat, ‘di ba? So, ‘di ko sila masisisi kung gusto nilang makaangat agad. Okay lang, respeto naman e. Kumbaga trinabaho nila iyan e. Iyon na nga lang, depende yun sa pagpapalaki sa iyo, e.

“Kanya-kanyang paniniwala at prinsipyo e, pero ako personally, hindi ko siyempre gagawin yung ganoon. Pero kumbaga sa kanila, wala naman akong ano roon. Kung kaibigan ko sila, okay, walang problema.”

Isa si Alex sa cast ng matagumpay na historical movie na Heneral Luna na balitang kumita na ng more or less 200 milyong piso. Ito’y tinampukan nina John Arcilla, Mon Confiado, Mylene Duzon, Joem Bascon, at iba pa. Napapanood din ngayon si Alex sa Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …