Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selina’s self-titled album, ini-release na!

100715 selina

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG malaman na after five years of partnership nina Selina Sevilla at Lalen Calayan  (pamangkin ni Dr. Manny Calayan), isa na ang una sa nagmamay-ari ng Calayan Medical Group.

“I have my share with CMG. Aside from this, I’m one of the founders also and have a protocol for aesthetic and wellness.  Also, I’m one of the directors and part of the board of top management,” magandang balita ni Selina nang makahuntahan namin ito sa isang pananghalian.

Hindi naman kataka-taka kung malinya sa ganitong negosyo si Selina dahil noo’y mayroon din siyang spa na naisara na nga lang dahil pinagtuunan naman niya ng pansin ang isa pang hilig, ang pagkanta.

Hindi talaga makalilimutan ni Selina ang pagkanta gaano man siya kaabala sa negosyo. Kaya nga ibinalita rin nito ang ukol sa kanyang self-titled album na pinagkakaabalahan niyang i-promote sa kasalukuyan.

Naglalaman ng limang awitin ang album tulad ng Walang Paki (You’re The Best), Hinahanap Kita, Pag-ibig, Dahil Ikaw, Bangon Lang at ang bonus tracks na minus one ng lahat ng awiting ito.

Ani Selina, pawang reinvention ang mga awitin sa kanyang album at magiging abala siya sa pagko-concert sa Visayas at Mindanao.

At kung nasanay ang mga tagapakinig noon sa kanyang awitin na medyo sexy at naughty, ngayo’y iba na. ”Ngayon naman sa latest kong album ay love songs at ipakikita ko rin ang other side ni Selina by singing fast and danceable songs. Gusto kong makilalang Zumba Queen dahil ang isang song ko rito, ang ‘Walang Paki (You’re The Best)’ ay kantang pang-zumba.”

So, tamang-tama ito sa mahihilig magpa-seksing tulad ni Selina, kaya buy na kayo ng album niyang Selina na ipinamamahagi ng Alpha Music.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …