Aminado ang singer/aktor na ayaw dapat niyang tanggapin ang naturang play, pero ang manager niyang si Jobert Sucaldito raw ang nag-insist. Nagpapasalamat naman si Michael na napunta sa kanya ang lead role rito bilang Crisostomo Ibarra. “Honestly speaking po, ayaw ko po talaga nito, dinecline ko itong offer na ito. Pero dahil si manager ang masusunod, wala ta-yong magagawa,” nakangiting saad ni Michael.
“Pero para sa akin po, sobrang sarap na experience na nagawa ko nga-yon. Alam n’yo po ‘yun, ‘yung out of the box?
“First time ko po gumawa ng ganito, sa theatre, mag-iba ng genre. First time kong umarte nang live. First time kong mag-portray ng isang historical person. At first, nahirapan po ako, kasi galing nga po ako sa medyo kulutan tayo, med-yo mala-JR at Janno. Tapos didiretso ka sa tusukan, bawal na ‘yung kulot. So mahirap po ‘yun at malaking adjustment ang ginawa ko. Sinabi ko sa sarili ko, kapag di ko ibi-nigay yung pu-so’t sarili ko roon, di ko ito magagawa nang maayos.”
Sinabi rin ni Michael na nagpapasalamat siya sa direktor nilang si Frannie Zamora dahil sa alalay nito sa kanya. “Baguhan pa lang po tayo, kaya nagpapasalamat ako kay Direk Frannie, talagang parang bineybi niya ako. I mean, in terms na talagang inalalayan niya ako, na pati paglabas at pagpasok ko (sa entablado), nandoon siya at sinasabi sa akin kung paano ang dapat kong gawin.”
Ang iba pang casts nito ay sina Jacob Benedicto (alternate), Myramae Meneses (Maria Clara), Bodjie Pascua (Pilosopo Tasyo), Vien Alen King (Elias), Kate Alejandrino at Michaela Fajardo (Sisa), Carlo Angelo Falcis (Padre Damaso), Carlo Mañalac (Padre Salvi), William Serrano (KapitanTiago), Queen Mia (Doña Victorina), Meldea Flor Chua (Consolacion), Albert Daniel Silos (Basilio), Angelo Gabriel Ilustre (Crispin), Joey de Guzman (Tiburcio), at Norman Peñaflorida (Alperes).
Bukod sa musical play , napapanood si Michael sa Your Face Sounds Familiar ng ABS CBN at tampok din sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako ni Direk Joven Tan.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio