NAKATAKDANG pulungin ni Department of Education Secretary Armin Luistro ang school supervisors upang mabatid ang ano mang kakulangan ng mga mag-aaral sa kaalaman kaugnay sa kasaysayan ng bansa.
Ito ay kasunod na pagkadismaya ni Pangulong Benigno Aquino III sa kakulangan ng kaalaman ng ilang mga mag-aaral sa mga pambansang bayani.
Pagtitiyak ng kalihim, hindi nagkukulang ang kanilang opisina dahil patuloy ang kanilang pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral sa kasaysayan ng bansa kahit na nagpatupad sila ng K to12 program.
Ang pagkadismaya ng Pangulong Aquino ay makaraang dumating sa kanyang kaalaman na maraming mga mag-aaral ngayon ang hind nakakaalam na may kapansanan si Apolinario Mabini, isang karakter sa pelikulang “Heneral Luna” na pinuna kung bakit lagi siyang nakaupo.
(ROWENA DELLOMAS-HUGO)